BII- 3 My Boss

3.6K 107 15
                                    

“Rye, thanks for coming ah.” Pinaupo ko muna si Ryan sa dining area, siya kasi daw ang maghahatid sa kambal, I think kailangan ko na maghanap ng service ng dalawa sobrang abala na talaga ako sa kanila. Like today halatang puyat si Ryan at pinilit niya pang magising ng maaga para lang pumunta dito at ihatid ang dalawa.

“Kalil, okay na ako sa tocilog saka kape. Masaya na ako don.” Request ni Ryan, mahilig kasi to sa tocino kahit araw-araw pa yata niya ito na ulam wala siyang kasawaan.

“Oo naman hinanda ko na talaga yun ikaw pa lakas mo sa akin. Sige magbasa ka muna ng diyaryo diyan. Tapusin ko lang mga ginagawa ko ah.” I handed him the newspaper, umakyat muna ako para ihanda ang mga susuotin ko at ng magising na din ang kambal.

Yesterday I got a call from Hyunta company that I got the position, I didn’t expect na matatanggap pa ako doon para naman kasing ang panget ng mga sagot ko sa interview. Today will be my first day of work at excited ako na kinakabahan at the same time.

I think I also need a nanny for my twins as per Mr.Rosales he asked me if I’m open on going to out of town or country so if ever totoo yun walang maiiwan sa kambal, I will contact Yaya Milagros if it’s okay with her na alagaan ang mga anak ko.

“Gising na ang mga baby ko.” Pinupog ko ng mga halik ang dalawa, sa pisngi sa labi pati sa mga leeg nila.

“M-mommy, g-good morning.” Inaantok pa na bati sa akin ni Masayuki sabay kiss sa akin sa mga labi ko.

“Good morning my beautiful mommy. I love you.” Ang lambing talaga ng prinsesa ko, she also kissed me and that really melts my heart.

I’m so glad that I have them, they were the source of my strength and faith. That everything’s gonna be alright.

“It’s breakfast time, Tito Ryan is waiting for you two downstairs.” Agad naman silang tumayo at inayos ang mga sarili nila.

“Herro mga babies.” Masayang bungad ni Ryan sa dalawa, agad naman niyang niyakap ang dalawa and the twins gave him a good morning kiss.

“Rye sino kayang pwedeng magsundo sa kambal later? It’s my first day of work kasi naghahanap pa kasi ako ng magiging yaya ng dalawa.” Tanong ko kay Ryan habang naghahanda ako ng mga plato sa mesa.

“Okay rang ako na rang. Wala naman ako rakad maya.” Mabilis na sagot niya sa akin, I felt at ease sana pumayag si Yaya Milagros tinext ko na kasi siya.

“Salamat talaga Rye ah. I owe you a lot bawi ako sayo sa sweldo ko.” Masayang sambit ko, nagsalo-salo na kami ng agahan.

Nang umalis na sila Ryan at ang kambal ay agad-agad akong naligo at nag-ayos para sa pagpasok ko sa work.

Habang nagbibihis ako ay nagring ang cellphone ko unregistered number siguro si Yaya Milagros na ito.

“Hi Ms. Viceral, are you ready I’m in front of your house.”  Bungad ng caller sa akin, napakunot ang noo ko hindi ko kasi mabosesan kung sino ito.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon