5- Nanay Rosario

6K 164 9
                                    

Hindi na namalayan ni Karylle na nakarating na pala sila sa bahay ng matandang babaeng tumulong sa kanya. Dahil nakatulala na lang siya dahil sa kakaisip kung ano na magiging buhay niya ngayon, pakiramdam niya kasi ay pinagsakluban na siya ng langit at lupa dahil sa sobrang kamalasan. Malas na nga sa pag-ibig minalas pa kanina.

“Halika na iha andito na tayo sa bahay.” Kinalabit siya nito at napabalikwas pa siya sa gulat ng magsalita ito.

“Ah sensya na po lutang.” Nakatawang sabi niya, inabutan naman siya ng payong ng driver nito kasi medyo umuulan pa din.

Pagbaba niya sa kotse ay agad niyang inilibot ang mata sa paligid, malaki ang bahay nito at maluwag ang labas din. Sinalubong naman sila kaagad ng dalawang katulong na nakauniporme.

“Good evening senyora.” Magalang na bati ng dalawa.

“Good evening din Maria at Mary.” Kinuha naman ng mga ito ang ilang bitbit ng matanda.

Nakatingin naman ang dalawa kay Karylle at sa hawak nitong aso. Agad na nagsmile sa kanila si Karylle.

“Maria eto si Karylle, pakiayos ang guest room at pahiramin niyo na din siya ng damit. Maghain na din kayo ng hapunan.” Utos nito sa isa sa mga katulong, agad na tumugon ito at umalis na din ang isa palayo.

“Mam napakabait niyo po talaga, pasensya na po sa abala hindi ko lang po talaga alam saan pa ako pupunta.” Hinawakan ni Karylle ang isang kamay nito at nagsisimula na naman siyang maiyak.

“Wala yun Karylle, ewan ko ba magaan ang loob ko sayo kaagad at alam kong mabuti kang bata. Don’t you worry I will help you. Sa ngayon I will ask Nanding to get a place for your dog coz we don’t have pets here but since she’s so cute maybe if okay na sa kulungan muna siya.” Nakangiti ito at ramdam naman ni Karylle ang malaking pag-asa na makakaahon din siya sa kamalasan na naranasan.

“Salamat po talaga tatanawin ko tong napakalaking utang na loob Mam.” Aniya, nagulat naman siya ng punasan nito ang mga luha na tumutulo sa mga pisngi niya pati na din ang sipon niya.

Imbes na mabawasan ang mga luha niya ay lalo pa itong dumami at talaga naman napahikbi na siya ng todo.

“Stop crying na pati ako naiiyak na.” mahinang sambit nito while caressing Karylle’s hair.

“Naalala ko lang po kasi ang Mommy ko, miss na miss ko na po siya. She’s the only one who always comfort me everytime I feel down and lonely. Siguro po hindi ko mararanasan ang mga ito if she’s still here. Pasensya na po Mam, ang drama po kasi ng buhay ko.” Ramdam naman ng ginang na totoo ang mga sinasabi nito, halata sa expression ng mukha at mata ni Karylle na malaki ang problema nito.

“Don’t call me Mam masyadong formal, just call me Nanay Rosario from now on. I can be your second mom if you want? Tutal wala naman akong anak ng babae.” Hindi naman makapaniwala si Karylle sa narinig. Kinurot niya ang sarili para makasiguro that she's not dreaming.

“Talaga po, grabe naman po na blessing na ang binigay sa akin. Worth it naman po pala na manakawan ako at nakilala po kita. Salamat talaga Nanay Rosario” Hindi napigilan ni Karylle na yakapin ito ng mahigpit.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon