BII- 23 Operation Balik Alaala

3K 148 13
                                    




"Tita Ninang, Tito Ninong miss ko kayo." Nagising ako sa sigaw ni Masayuki, dahan-dahan ko lang binuksan ang mga mata ko pinapakiramdaman ko pa ang ulo ko kung masakit pa.


"Hi mga cutie patootie ko. Tita Ninang missed you too, I have a lot of pasalubong for you mga angels ko." Narinig kong sabi ni Anne, I opened the lid of my eyes slowly and I saw Kishi looking at me.


"D-daddy are you okay?" she touched my forehead and my neck, she looks worried.


"Of course baby, Daddy is doing good. How's your day?" iniangat ko na ang katawan ko at salamat naman wala na ang sakit ng ulo ko. Umupo ako at kinalong ko si Kishi then I kissed her cheeks.


"Kinda bored, we just read our books no lesson just reading. That's why I don't have a star to show you today Daddy." Inayos ko ang buhok ni Kishi, ang sarap talaga nilang maging anak. Napakaswerte ni Karylle sobrang bait, matalino at magalang talaga ang kambal. Kaya hindi ako magtataka bakit ako napamahal sa kanila ng ganito.


"Tara ng magtanghalian." Nanay Milagros chime in.


"Sige Nay let's go mga angels." Buhat ko si Kishi habang si Anne ay hawak kamay sila ni Masayuki na naglakad papunta sa dining area.



"Nasaan pala si Karylle ngayon? Work?" tanong ni Vhong habang kumakain kami.



"Out of town kasama ng demonyo niyang boss." Iritadong sabi ko. Napatingin sa akin ang dalawang bata.


"What's with that description?" maarteng tanong ni Anne.


"Bwiset kasi yun umaaligid kay Karylle. Binabakuran ko na nga eh."


"Oh.. Still the old Vice, seloso." Bungisngis na sabi ni Anne.


"Korek ka diyan! Pati nga ako dati pinagselosan niyan eh." nakangisi na sabi ni Vhong.



"Daddy what is demonyo?" tanong ni Masayuki, patay na! Nagkatinginan kami nila Anne at Vhong.


"Ah that's nothing anak." Ayaw ko nga silang turuan ng kalokohan to' naman kasing bunganga ko hindi mapigilan basta pagdating sa boss na yun ni Karylle lahat na ng mabahong salita gusto ko idikit sa pangalan niya.


"Daddy, why Mommy have a big bag when she left awhile ago? She will not go home tonight?" Kishi asked, I nodded sadly.


"But she will go home tomorrow don't worry okay?" sagot ko sa kanya, after our lunch sabi ni Anne tatawagan daw niya si Karylle. They were actually planning a get together kasama ng iba pa nilang kaibigan.


Baka daw kasi sakali bumalik ako sa katinuan ko pag kumpleto sila na makita ko. Sa totoo lang gulong-gulo na ako, tuwing pilit kong iniisip ang mga tao sa paligid ko na nakakakilala sa akin at sinasabi na ako talaga si Vice sumasakit talaga ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon