BII- 9 PooMooPetra

2.8K 114 7
                                    




"Mahal." Tumagilid ako para yakapin siya. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, para kasing andito na ang jowa ko. Kinapa ko ang katabi ko pero wala akong mahawakan tanging ang kama lang ang nakakapa ko. I checked the time sa wall clock sa kwarto ko, hala alas tres na pala ng hapon. Kaya pala maalinsangan na ang panahon.


I'm not sure if I'm just dreaming kanina or maybe lasing lang ako. Para kasing andito na ang mahal ko, napangiti na lang ako. Para kasing nag wet dreams ako, I dreamt of something censored. Nagpagulong-gulong ako sa kama. I feel like I'm levitating, eto ang ayaw ko pag nakainom ako feeling ko wala akong kaluluwa lalo na pag nasobrahan ako.


I smell something different sa unan na katabi ko, inamoy-amoy ko ito. Hmm amoy babae? Nanlaki ang mga mata ko, agad ako tumayo may naalala kasi ako mas lalong nanlaki ang mga mata ko at nalaglag ang panga ko when I found out that I'm totally naked when I saw myself in the mirror.


Padabog kung binuksan ang pintuan ng kwarto ko, I saw my living room with the 2 empty bottles of empi lights. Makalat pa dahil sa mga pulutan na nasa sahig.


Napaupo ako sa sofa, napasapo ako sa noo ko ng sobrang lakas. Nilibot ko ang mga mata ko sa loob ng bahay ko wala ng bakas na andito pa siya. Ayaw ko mang gawin but I touch my birdie and smell my hand, damn!


Amoy zonrox........


Naloloka ako!!! Nakipagchurvahan ako sa merlat na yun. Agad akong tumakbo sa kwarto ko para kumuha ng tuwalya at agad na pumunta sa banyo.


Habang binubuhos ko ang tubig galing sa tabo, naalala ko bigla ang bawat eksena na nangyari sa amin ng merlat na yun. Hindi ko sinasadya na magpadala sa init ng katawan ko, all I know is I can see my boyfriend in her. Sinabon ko ng paulit-ulit ang katawan ko feeling ko ang dumi-dumi ko. Parang ang daming higad na dumapo sa katawan ko ang kati-kati.


When I closed my eyes ng sinasabon ko ang mukha ko, Sh!t lang bakit parang nararamdaman ko pa rin ang mga malalambot ng labi niya, mas malambot ang mga labi niya compare sa boyfriend ko. Napailing ako ng paulit-ulit. Hindi maari na i-compare ko ang jowa ko sa kanya. Hindi ko pwede isiksik sa utak ko na naging lalaki ako ng hagkan ko siya. Hindi pwede!!!


Dapat refreshing ang pakiramdam ko after ko maligo pero hindi naii-stress ako. Nagbihis na ako at nagsimula ng linisin ang kalat ng pinaginuman namin. Ang daming mga mani at clover sa sahig, inusog ko ang sofa para mawalisan ko hanggang ilalim.


Nang may makita akong isang wallet. Hindi ko naman to' wallet, sino naman kaya ang nakaiwan nito? Mukhang pambabae, hindi naman ganito ang wallet ng mga marse ko.


Inilapag ko ang wallet sa center table at pinagpatuloy ang pagwawalis ko.


"Marse" narinig kong may mga sumisigaw sa labas. Sinilip ko ito, si Poo at Moo.


"Hoy ang aga niyong mambulahaw!." Padabog kong binuksan ang gate at pinapasok sila.


"Kanina pa kami tumatawag sayo, nalobat na ata celphone mo. Sabay-sabay sana tayo mag tanghalian hindi ka naman sumasagot. Eto dinalhan ka namin ng sinigang, luto ni Mudang." Ani Poo na tuloy-tuloy na pumasok at inilapag niya ang dalang tupperware sa kusina.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon