7- Vice Ganda

6.5K 144 10
                                    

Kinabukasan maagang nagising si Karylle, nakahanda na ang mga damit na dadalhin niya para sa paglipat niya ng matutuluyan. Matagal silang nagusap ni Nanay Rosario kagabi, kahit man labag sa kalooban niya na samahan ang antipatikong anak nito ay wala siya magawa dahil sa napakalaking utang na loob niya dito.

Nagprisinta na naman siyang magluto ng agahan at hinayaan lang siya nila Mary at Maria.

“So Karylle doon ka na pala kay Sir Vice titira?” mahinang sabi ni Maria pagkalapit pa lang sa kanya habang nagluluto siya.

“Oo doon na kasi ako magtratrabaho.”

“Alam mo mabait naman yun pero may topak lang paminsan-minsan.” Komento ni Mary.

“Kaya dapat mahaba ang pasensya mo kung hindi lagi ka non babarahin.” Pagpapaalala naman ni Maria.

“Kaya ko yun, wag lang siya maging below the belt sa akin kung hindi makakatikim siya ng tadyak sa mukha niya.” Nakangising sagot niya. Alam niya na magiging mahirap ang pagsasama nila sa iisang bubong at sa trabaho. Ramdam niya na hindi siya gusto nito sa mga kilos at pakikisama pa lang nito sa kanya kagabi ay alam na niya na ayaw nito sa kanya.

Madami pang sinabi ang dalawa tungkol sa ugali ng amo, malakas naman ang loob niya na kakayanin niya ito pakisamahan. Kahit hindi niya kabisado ang ugali ng mga katulad nito alam naman niya na basta wala siyang ginagawang masama makukuha din niya ang kiliti nito.

Pagkatapos magluto ng agahan ay agad siya bumalik sa kwarto para maligo na at magbihis. Alas sais na pasado at ang usapan nila ni Nanay Rosario ay aalis sila ng alas siyete. Mabilis siyang kumilos at bumaba ulit para tignan kung andon na ang mag-nanay. Wala pa ang mga ito kaya siya na ang naghanda ng mga pagkain sa mesa, mukhang wala kasi yung dalawa naglilinis siguro sa labas.

“Good morning iha” bati ni Nanay Rosario, lumapit ito at hinalikan siya sa pisngi.

Siyang dating din ni Vice. Nakasando ito na puti at medyo magulo ang kulay rosas na buhok nito. Napatitig naman siya sa tattoo nito na nasa kanang braso, isang rosaryo. Pati pala sa kanang leeg ay may tattoo din ito, ngayon niya lang kasi natitigan ito since naiirita siya dito simula ng makita niya ito. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang pagsabi sa kanya ng engot siya.

“Hoy matunaw ako. Alam kong maganda pa din ako kahit bagong gising ako at may hangover ako. Partida masakit pa ang ulo ko” Mataray na sabi ni Vice sa kanya.

“Ah-eh. Morning Vice, kain na po kayo.” Nauutal pa siya na sabi. Agad naman na sinandukan niya ng mga pagkain ang plato ni Nanay Rosario. Napapansin naman niya na iniirapan siya ni Vice.

“Iha sumabay ka na sa amin, okay na ako maupo ka na.” ani Nanay Rosario.

“Sige po.”

“Ikaw pa rin ba ang nagluto nito?”

“Opo” nahihiyang sagot niya at kumuha na rin siya ng makakain.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon