40- Bittersweet

4.5K 149 15
                                    

Hindi ako makamove-on sa pagbabago sa wattpad using a computer. It’s like mobile na din and I don’t like it. Huhuhu!

Eventhough I didn’t get my request. Since super lakas niyo sa akin.

Here’s my update.

Thanks sa mga new readers, mga authors din na naglilike nito.

Nakakatouch.

Sa mga nag-add sa akin sa tuweetter at fb. Sa mga nagmessage sa akin na they love my story.

I’m so overwhelm hindi ko talaga alam na madaming mapapamahal sa story ko.

Salamat talaga ng super bongga mga ses.

♥♥♥

K’s POV

♥♥♥

“Yes Joan I’m so ready.”

Hindi ko pinapahalata na hindi ako makahinga ng maayos ngayon. Buti na lang nakatakip ang mukha ko ng magazine kung hindi mukha siguro akong ewan. Baka pagtawanan pa ako ni Vice kung nakita niya ang reaksyon ng mukha ko for sure mukha itong nilamutak na papel. Naguusap si Joan at Vice kung ano man yun hindi ko na maintindihan ang lakas kasi ng tibok ng puso ko. Gusto ko muna kumuha ng oxygen para akong naubusan bigla.

“K-Karyle?” I heard Joan call me. Paano naman kanina pa niya pinakilala si Vice sa akin pero hindi pa rin ako tumatayo.

Hindi ako dapat magpa-apekto. Kaya ko to. I stand slowly, inilagay ko ang magazine sa gilid at inayos ang shorts ko. Saka ako tumingin ng deretso kina Joan, nakaupo si Vice at nakadekawatro itong panlalaki.

“Sorry Joan masyado akong nag-enjoy sa binabasa ko sa magazine. What’s his name again Joan?” kaswal na tanong ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakangiti si Vice at kahit naka shades siya alam ko sa akin siya nakatingin.

Tumayo si Joan at lumapit sa gitna namin.

“Karylle he will be your new PA, his name is Vice. “ pagpapakilala ni Joan sa amin, tumayo si Vice at inilahad niya sa akin ang kanang kamay niya.

“Hi Karylle nice to see you…. Again.” Nagdadalawang isip ako kung tutugon ako. Pero para na lang hindi siya mapahiya nakipagkamay na lang ako sa kanya.

Mabilis lang dapat but he squeezed my hand. Grabe parang si Volta tong si Vice may dumaloy na bolta-boltaheng kuryente sa kamay ko dumaloy papuntang pisngi ko. Maraan kung hinigit ang kamay ko he tried na pigilan ito pero nakawala din ang kamay ko.

“Joan bakit lalaki ang PA ko?” tanong ko kay Joan. Hindi ko alam anong pakay ni Vice bakit siya andito. Pero hindi ako komportable.

“K, it’s much better slash bodyguard na din mahirap na. We don’t know what we can experience sa ibang bansa. It’s better na meron kang someone na kaya kang ipagtanggol.” Explanasyon sa akin ni Joan. Napailing ako.

“Kayang ipagtanggol, ako?” madiin na sabi ko. Parang hindi naman ako naniniwala doon.

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon