4- Unlucky Day

5.9K 147 6
                                    

Alas dos na ng umaga pero gising pa din si Karylle, kanina pa siya nagiisip ng gagawin niya. Gulong-gulo na siya sa sitwasyon nila Yael tumila na din ang ulan, kanina pa siya iyak ng iyak na para bang sinasabayan siya nito sa dalamhati at sa sakit ng nararamdaman ng puso niya. Hawak niya ngayon ang photo album na kasama ang pamilya niya, namimiss na niya ang magulang at mga kapatid. Siguro kung andito sila meron siyang karamay at masasandalan at hindi ganito na hirap na hirap na siya.

Naalala niya ang mga masasayang sandali na kasama niya ang mga ito. Napapangiti naman siya ng makita niya sa picture ang dating yaya niya, si Yaya Milagros. Simula bata pa siya ay ito na ang nag-alaga sa kanya, pero kailangan niyang mawalay dito simula ng mamatay ang mga magulang at malugi na din ang business nila. Pinilit niyang isalba ito pero sa depression niya sa pagkamatay ng mga mahal sa buhay ay tuluyan ng nawala ang flower shop business nila.

Halos dalawang taon na din ang nakakalipas simula ng maging ulila siya at huling nakita ang Yaya niya. Bigla niyang naalala na may binigay nga pala si Yaya niya na address nito sa probinsya, nawala kasi ang cellphone niya dati kung nasaan ang contact number nito at simula noon nawalan na din siya ng komunikasyon dito.

Hinalungkat niya ang mga gamit at hinanap ang address nito. Pilit niya inaalala kung saan niya ito tinago, sigurado siya na nadala niya ito simula ng maghakot siya ng mga gamit niya sa dating bahay, binenta na din kasi ang bahay nila dahil pinambayad sa mga natirang utang na naiwan ng mga magulang. Sa halos trenta minutos na paghahanap ay sa wakas nahanap niya din ang mumuting papel na binigay ng yaya niya.

Naisip niya na siguro kailangan niya muna lumayo kay Yael at ito na ang tamang pagkakataon para magawa niya ito, napagdesisyunan niya na aalis na siya at magiisip kung saan malayo sa lahat. Kaya agad niyang hinanap ang atm niya kung saan meron pang natitirang pera siya na talagang tinatago-tago niya at hindi niya ginagastos. Nagimpake na siya ng mga damit at mahalagang dokumento na dadalhin niya, masakit at labag man sa loob niya ang gagawin ay kailangan niya itong gawin para rin naman ito sa sarili niya.

Panahon na para naman tulungan niya ang sariling mabuo ulit ang pagkatao niya. Dahil simula ng maging asawa niya si Yael, paunti-unti siyang nawawasak imbes na maging buo siya ay kabaligtaran ang nangyari sa kanya. Dala na niya ang isang malaking maleta, backpack at isang shoulder bag.

Hinanap niya si Mumay na kasalukuyang natutulog. Ginising niya ito at nilagyan ng diaper at sinuotan ng darna na costume nito.

"Mumay, let’s go kailangan muna natin magpakalayo at iwanan ang tatay mo. Kailangan ko muna magisip-isip. Sobra na kasing nasasaktan si Nanay mo." Bulong niya kay Mumay habang pupungay-pungay pa ito ng mata antok pa ata.

 

Nang matapos niya itong bihisan ay dinilian siya ni Mumay sa pisngi na para talagang naiintindihan siya na parang ibig sabihin nito na andito lang siya para damayan siya, kailangan niya isama si Mumay dahil malamang hindi naman ito maalagaan ni Yael. Ayaw niya sa aso, pinilit niya lang ito dahil bigay nga ito ni Vhong noong kasal niya.

Inilibot niya muna ang paningin niya sa buong bahay. Huling sulyap bago siya tuluyang umalis.

"Mamimiss ko ang paglilinis dito ang laki-laki kasi ng bahay na to'. Mamimiss ko si Yael for sure, sana maging okay na siya sa pagkawala ko. Gusto ko na siyang maging masaya at alam ko magiging masaya lang siya pag wala na ako dito."

One Day | VicerylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon