Chapter 50: Best Gift (part 3)

4K 99 3
                                    

Matt's PoV

Nakita kong nag-uusap si Kuya Landrei at Yame sa sofa ng magkaakbay. Alam kong magkapatid sila pero bakit parang nagseselos ako? (T3T)

Maya-maya binigay ni Kuya Landrei yung phone nya kay Yame tapos pagkakita ni Yame dun sa phone parang nagulat sya. Video ba yun? Nacucurious tuloy ako! Kaya nilapitan ko sila.

"Yame anong--ano yang pinapanood mo Yame!?" tanong ko sa kanya, and I almost shout nang makita ko yung pinapanood nya. Ano yon?! Bakit parang may nakita akong nagsesexy dance na babae't lalaki?!

"H-ha? E-ewan ko. Pinapanood lang to ni Oppa eh. Ang astig nga eh" mahinang sabi nya.

Tumabi ako sa kanya para makita ko lalo yung pinapanood nya at-"Ah yan lang pala. Diba music video yan ng thinking out loud? Lagyan mo nga ng volume, Yame" sabi ko, nilagyan naman nya ng volume.

"What are you doing here Matt?" biglang pagsulpot ni Kuya Landrei sa likod namin ni Yame tapos sinilip nya yung phone nya "What the--? Hahaha!! Wrong video!" tapos tumawa sya ng tumawa.

"What do you mean?" tanong ko.

"Nevermind, nevermind. I just want her to know it." inemphasize pa nya yung it.

Di naman ako tanga no! Alam ko ibig nyang sabihin dun! Argh!

"Matt! Hahahaha!! Your face is very red!" at tumawa sya ng tumawa.

"You-" bago ko pa matapos yung sasabihin ko, tumakbo na si Kuya Landrei sa dining room kung nasaan sila Mommy.

"Matt! Kaidee! Kakain na! Kanina ko pa kayo tinatawag ano ba!" ayan naiinis na si Mommy. Meron ata eh.

"Yame tara na daw" sabi ko. Tumingin sya saakin tapos tumayo din naman. Hinawakan ko yung kamay nya pagkatayo nya tapos hinila ko sya ng konti para mapabilis kami ng lakad.

Pagdating namin sa dining room, nakatingin sila sa kamay namin ni Yame. Yung kaninang iritated expression ni mommy, napalitan yung ng sweet smile pati sila dad.

Ipinaghila ko si Yame ng upuan tapos magkatabi kami. Sya sa kaliwa, ako sa kanan. Katapat namin sila mommy na sweet na sweet na para bang magboyfriend-girlfriend lang.

"Wait. Pray muna" sabi ng lolo ni Yame. Ginaya namin sya then sya na mismo ang naglead ng prayer.

Habang nagdadasal, hihigpitan ko sana yung hawak sa kamay ni Yame nang inalis nya ang pagkakahawak ko rito. Syempre I feel bad. Does she hates me that much?

I thought ibabagsak nya lang basta basta yung kamay ko pero mali ako. Pinagcross fingers nya lang pala yung mga kamay namin.

Napatingin ako sakanya then nakita ko ang isang maliit na ngiti sa mukha nya. Napangiti rin ako syempre.

Inilapit ko ang mukha ko sa tenga nya "Yame.." bulong ko sa kanya.

"Hmm?"

"Sana talaga araw araw mo mapanaginipan yung napanaginipan mo kanina." bulong ko ulit sakanya habang nakangiti. Tumawa sya ng mahina after non.

*click* *camera flash*

"Anong-" at pagtingin ko sa pinagmulan ng camera flash na yon, nakita ko si Kuya Landrei sa likod namin at nakangiti ng sobrang lapad.

"Look what I've caught!" tapos ipinakita nya kila mommy yung phone sya.

"Omygosh! Ang cuuuuuuute~ Ipapaprint ko to ng maraming maraming copy!" -mommy

My Angel DemonDonde viven las historias. Descúbrelo ahora