Chapter 22: Susan

5.9K 135 3
                                    

<<Kaidee’s POV>>

“Doon”

“Ha? Saan?”

“Kaliwa mo engot”

“Bakit kaliwa? Kanan yung garden ah?”

“Ay peste. Sabi ko playground! Bingi mo”

“Okay!” tapos iniliko nya yung wheel chair ko sa kaliwa.

Nandito kami ngayon ni Door Matt sa labas ng ospital dahil sa nababagot na ako sa loob ng kwarto ko.

Sabi nung doctor, maya maya lang daw pede na daw ako lumabas.

Hinihintay na lang kasi naming maubos yung laman ng dextrose ko.

Hayy, nakaka one week na ko dito sa ospital.

Yes, naextend yung pag ii-stay ko dito sa ospital dahil kay Jarred at Door Matt.

Aba’y peste eh.

Tss.. Ingudngod daw ba yung saging at mansanas sa mukha ko?!

Napasigaw tuloy ako kaya bumuka ng bahagya yung sugat sa ulo ko.

Psh..

Yung right hand ko, ayos na sya.

Mejo masakit pa sya kapag iginagalaw pero keri ko naman. Yung paa ko talaga ang problema.

Sobrang sakit pa nya.

Pesteng OLGAnics kasi.. Tsss...

Hahayaan ko sya pero ngayon LANG.

Kapag nasaktan nya ang isa sa kambal or si Jill, di ko na sya papalampasin.

Bugbugan na to! >:D

DJoke lang.

"Yan nandito na tayo!" masiglang sabi ni Door Matt.

Tiningnan ko ang buong paligid.

Sobrang tahimik. Walang maiingay na bata.

Sabagay, gabi na kasi.

Hayy nakakamiss maging bata :(

"Nakakamiss maging bata noh?" biglang tanong sakin ni Door Matt habang nakangiti pero di ako umimik.

"Alam mo Kaidz, nung bata kami nila Jayson at Patrick, lagi kaming umuuwing marumi. Lagi kasi kaming nasa babuyan nila Mang Oscar. Lagi naming hinahabol yung mga baboy na maliliit tapos pag nahabol na namin, dodrowingan namin yun ng kilay gamit yung pentelpen." tapos tumawa sya habang ako naka half smile lang.

"Pag nahuhuli kami ni Mang Oscar na dinodrawingan yung mga biik, hinahabol kami nun ng walis ting ting pero wag ka! Never pa kaming nahabol nun! Bilis naming mag tago eh!" tapos tumawa sya.

"Tapos, kapag di namin trip drawingan yung mga baboy, naglalaro na lang kami ng mga water gun. O kaya, umaakyat kami sa tree house dun sa likod bahay nila Patrick. Syempre bago kami pumunta dun kanya kanya kaming dala ng mga pagkain namin. Doon kami nagpipicnic tapos minsan dun kami natutulog ng tanghali" tapos umupo sya sa bench dun kaya tanaw na tanaw namin ang kalangitan.

"Si Patrick, bakla ba talaga yun?" tanong ko pero nag shrug lang sya kaya napairap ako.

Tumawa sya ng mahina tapos nag buntong hininga sya.

"Ikaw Kaidz, kwento ka naman ng mga pinag gagawa mo nung bata!" sabi nya saakin.

"Kailangan pa ba yun?" tanong ko.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon