Chapter 60: My Angel Demon (Epilogue)

6.3K 129 8
                                    

-After 7 years-

Matt's PoV

"Han.. Han.. Han.. Han.." pagchachant ko habang iniikot ikot ko ang paningin ko sa sementeryo. Aish.. Saan ba yung puntod na yun?

"Papa.." tawag saakin ni Sho habang hinihila kamay ko.

Napatigil ako sa paglalakad "Saglit lang Sho hinahanap ko pa yung puntod" tapos inikot ikot ko pa yung paningin ko. Aish.. Alam ko dito lang yun eh!

"Papa.." tapos hinila ulit ni Sho kamay ko kaya napatingin ako sakanya "..eto na po oh" at tinuro nya yung puntod na nasa gilid nya. Ay anak ng--! Di ko nakita yun ah!

"Si Papa bulag.." bulong ni Sho at nagpout pa. Ginulo ko buhok nya at lumuhod na sa puntod.

"Dad.." pag-uumpisa ko at ibinaba yung bulaklak at pinapgpag ng kaunti yung grave nya "..pasensya na po hindi ko isinama si Kaidee ah. Alam nyo naman po kalagayan nya eh. Next time ko na lang po sya isasama. Pero sinama ko po si Sho. Ang pogi nyong apo" tapos napatawa ako ng konti.

"Syempre Pa mana ako kay Mama!" proud na sabi nya. Napangiti ako "Sinong Mama ba tinutukoy mo? Si Mama Kaidee mo o si Mama Susan?"

"Pareho po!" at ngumiti sya ng malapad. Matalino syang bata kahit 7 years old lang sya. Hindi man lang sya nagalit o nagrebelde samin nung accidentally nyang nalaman na hindi namin sya biological child. Naalala ko pa nga ang sinabi nya dati samin nung tinanong namin sya kung galit sya.

"Hindi po ako galit. Alam ko naman pong mahal nyo po ako eh. Diba Mama? Papa?"

"Papa wala na po ba kayong sasabihin kay Lolo? Nagugutom na po ako" reklamo ni Sho. Ginulo ko ulit ang buhok nya "Saglit lang.."

Naalala ko ang nangyari noon. Kung paano namatay si Dad.

Flashback..

Pagkasugod ni Kaidee kay Jarred, niyakap sya bigla nito. Napatigil kaming lahat ng tumumba si Kaidee na duguan. May nakasaksak na pocket knife sa tyan nya.

"KAIDEE!!"

"Sht si Kaidee!!"

"Kaila!!"

"Yame!"

*bang*

*bang*

"D-dad.."

Sabay na nagpaputok ng baril si Dad at si Jarred. Bumagsak ang Daddy ni Kaidee dahil sa tama ng bala sa dibdib. Samantalang si Jarred ay natamaan sa binti.

"Tito!!" tili nung kambal at nilapitan ang Dad ni Yame. Bigla namang dumating sila Jill na may dalang basket. Binuhat nila Patrick si Dad samantalang si Jarred ay inalalayan ni Miggy.

Nilapitan ko si Yame at binuhat. Nakapikit na sya kaya nataranta ako "Yame.. Yame.. Sht.. Dumilat ka" tapos inalog alog ko sya.

*baby cries*

"Naririnig mo ba yun ha? Naririnig mo ba? Buhay si Sho. Naririnig mo ba ko ha? Yame.." tapos nagmamadali akong tumakbo habang buhat sya. Kasunod ko sila Jill tumatakbo rin.

May mga nadadaanan kaming mga patay na tao pero hindi namin pinansin yon. Nang makalabas kami, dali dali kaming sumakay sa Van na nasa tapat lang ng mansyong ito.

"Yame please hold on.. Lumaban ka please.. I love you so much.. Don't leave us.." bulong ko sa kanya at tumulo ang luha ko. Dinilat nya ang saglit ang mata nya at ngumiti saakin pero agad din syang pumikit.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon