Chapter 48: Best Gift (part 1)

4.8K 94 3
                                    

March 25, 20XX

Kaidee's PoV

"Yame oh, ah." tapos isinubo saakin ni Door Matt yung slice ng pakwan. Kinagatan ko yon tapos nanood ulit ako ng TV.

Habang nanonood ako, napansin kong tinititigan ako ni Matt kaya tiningnan ko rin sya ng 'What?-look'

Di sya sumagot instead, ngumuso sya sa harap ko tapos tumingin sa pakwan tapos tumingin ulit saakin at mas lalo pa nyang tinulisan yung nguso nya.

Now I get it. Nagpapasubo pala sya.

Ewan ko siguro dahil good mood ako kanina pa simula paggising ko, sinubuan ko din sya ng pakwan then ngumiti sya saakin ng malapad. When I said malapad, malapad talaga.

"Anong nginingiti ngiti mo jan?"

"Eh kasi Yame eh~ Naka half smile ka habang sinusubuan ako!" tapos namula pa sya. Siguro kung ibang tao makakakita sa kanya, iisipin nilang bading sya pero para saakin? Ang cute nya ngayon. Natatawa na lang tuloy ako.

Nginitian ko lang sya and I know nagulat sya coz lumaki ng konti ang singkit nyang mata. Natawa tuloy ako lalo tapos kinurot ko sya sa pisngi.

Hayyy~ Ang gaan ng mood ko this day but I don't know why. Basta masaya ako ^_____^

"Y-Yame.. Ano bang napanaginipan mo kanina?" tanong nya saakin.

Napaisip ako. "Ah ano may nagbigay daw saakin ng malaking regalo tapos ang laman si Pou, yung buhay na Pou yung laman tapos naging baby ko daw" wew ang haba ng nasabi ko. Maybe I'm just in really good mood. Pero promise! Ang sarap sa pakiramdam nung panaginip ko!

Napatulala saglit si Matt "Sana Yame araw-araw mong mapanaginipan yun" he said tapos sinubuan nya ako ng pakwan. I just give him a small smile tapos sinubuan ko rin sya.

"Nakakamiss si Ate Susan" he suddenly said. Tiningnan ko lang sya then I nod "Sobra."

And yes. Tinotoo ni Ate Susan ang pag-alis nya dito sa bahay nung mag eight months yung tummy nya. Di na namin sya nakita kinaumagahan. She just leave us a letter saying:

Dear Matt and Kaidee,

Please don't be mad at me for leaving the both of you without saying anything. Believe me, umalis ako for good. And alam mo tong plano kong to, right Kaidee? Anyway, salamat sa pagturing nyo saakin na part ako ng family nyo, salamat pagpapatuloy nyo saakin, and thank you sa unforgetable memories na kasama ko kayo. Sorry for my plan para sa inyo pero kayo na lang talaga ang pag-asa ko. Sorry talaga, sorry.

-Susan Cho

We don't get her point sa last line ng sulat nya pero we respect and trust her decision. Pero syempre di naman naming maiwasang mag-alala specially buntis sya.

"Yame may tumatawag sayo. Yung pinsan mo" sabi ni Matt tapos inabot nya saakin yung phone kong nasa tabi lang nya.

[Hello?]

"Hello, Jill" sabi ko. Oo, si Jill yung pinsan kong sinasabi ni Matt. Pano nangyari yun?

Flashback..

"Woooo~ Kinakabahan yung isa jan~" pang-aasar ni Patrick kay Miggy dahil sabi ni Jill, iniimbitaham daw kami ng Mama nya at gusto nitong makita si Miggy ng personal kaya ayan, inaasar nila ng bongga.

"Nako Miggy, paktay ka sa mama ni Jill! Nilalandi mo daw anak nya!" panggagatong ni Blo sa asar ni Patrick at nag-apir pa silang dalawa.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon