Chapter 55: A talk with Snow (part 1)

3.6K 81 2
                                    

Matt's POV

*sigh*

She must be very mad at me. Hindi ako umuwi ng bahay, kila Patrick muna ako natulog since nagkayayaan namang uminom. Amoy alak pa ata ako.

Bumaba muna ako ng kotse atsaka ko binuksan yung gate. Wala naman kasi kaming katulong e. Si Yame hindi naman ako pagbubuksan ng gate nun panigurado.

Pagkaparada ko nung sasakyan ko at pagpasok ko ng bahay, umakyat ako sa kwarto para icheck sila Sho at Yame. Umaga na rin naman at baka sobrang pagod na si Yame, dapat matutulog na sya ngayon.

Pagpasok ko, nakita kong bukas yung TV tapos nakasalang yung CD na puro nursery rhymes. Napatingin naman ako kila Yame na nasa rocking chair. Si Yame natutulog habang may kumot na nakatali sa leeg nya, siguro nandun si Sho.

Paglapit ko, tama nga ako. Nandun si Sho na nakatingin lang kung saan saan at may pacifier. Pinatay ko muna yung CD pati na yung TV tapos lumapit ulit ako sakanilang dalawa tapos dahan dahan kong nilagyan ng unan si Yame sa ulohan nya baka kasi mastif neck sya tapos kinuha si Sho dun sa kumot. Ilalabas ko muna sya since 7:12 am pa lang naman, papaarawan ko lang.

Paglabas namin ng kwarto, bigla namang umiyak si Sho. Dali dali akong bumaba tapos pumunta sa garden kasi baka magising si Yame. Pinindot ko ng mahina yung gilid ng labi ni Sho. Hindi naman sya gutom, hindi nya kasi sinundan yung daliri ko e.

"Baby Sho si Daddy to. Sorry amoy alak ata si Daddy, pero si Daddy Matt mo talaga to. See? Boses ko pa lang oh. Ya ya ya." sabi ko kay Sho. Suprisingly, unti unting humina yung iyak ni Sho. Napangiti naman ako.

"Nangingilala ka sa amoy ha. Hahahaha! Ang talino mo naman!" tapos hinimas himas ko yung ulo nya pababa sa pisngi nya. Bumuka yung bibig nya pero hindi sya humihikab.

"May gusto ka sabihin ha? Magsosorry ka? Haha! Ang gwapo mo talaga Baby mana ka sakin" pag kausap ko sakanya habang hinehele hele sya sa arawan.

"Baby Sho anong nangyari dito habang wala si Daddy? Anong ginawa ni Mommy Kaidee mo kahapon atsaka kagabi? Ay shet ano ba tong ginagawa ko?" Muntanga e. Kinakausap ko sarili ko as if namang sasagot si Sho busit -_-

Bigla naman may nagsalita sa likod ko "Nakauwi ka na pala" napalingon naman ako. Si Yame pala.

Napalunok ako ng tingnan ko yung mata nya. Parang bumalik sya sa dati. Yung pagiging sobrang cold nya. Kasalanan ko ba yun?

"A-ah ano---" di pa ko tapos magsalita ng putulin nya yung sinasabi ko.

"Nevermind. Matutulog lang ako" tapos pumasok ulit sya sa loob, matutulog na talaga ata. I sigh.

"Baby Sho, galit talaga si Mommy mo sakin no?" pagkausap ko ulit kay Sho. Hayst.. Sige push ko to amp -___-

Pag dating ng kinagabihan, tahimik lang kaming kumakain ni Yame habang si Sho ay nasa crib lang. Parang hindi kami magkakilalang dalawa kasi hindi talaga kami nag uusap o nagtitinginan man lang.

Well ako sumusulyap ako kay Yame pero si Yame dedma lang. Galit ba sya?

"Ah Y-Yame.."

"I'm Kaidee" pagputol ni Kaidee sa sinasabi ni ko without looking at me.

Damn.

Napabuntong hininga naman ako "Fine, Kaidee." labag sa loob na sabi ko.

"Anything?" sagot nya sakin pero nakatingin sa may plato nya. Ayoko ng ganito.

"Galit ka--"

"Hindi" tapos sumubo sya ng pagkain and still hindi sya nakatingin sakin. Naiinis na ko ng konti. Konti lang.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon