Chapter 35: Pahiya!

4.8K 134 12
                                    

<<Matt's POV>>

Sinulyapan ko ulit si Kaidee na tahimik na naka tingin sa bintana sa tabi ni Ate Susan.

Kasi naman yang sila Jayson eh! Hinila pa ako sa kung saan kaya ayan! Katabi ko si manong driver ngayon! TT^TT

Nang makatapat kami sa isang malaking parang grocery store ay nagsalita si Kaidee.

"Manong pede patigil dito?!" sabi ni Kaidee.

Agad na itinigil ni manong yung mini bus na sinasakyan namin tapos tumayo si Kaidee at lumabas na ng bus ng may dalang bag.

Nung tatayo na sana ako para sundan sya ay pinigilan ako ni Hyoyeon.

"Wag" nakangiting sabi nya.

Tumango tango na lang ako tapos sinilip ko na lang yung labas.

Maya maya ay bumalik na si Kaidee.

"Ano binili mo?" tanong ko.

*glare*

*pout*

Ok di na nga nya sasagutin =3=

Bumalik na sya sa upuan nya tapos ako umayos na ng upo.

Naglaro na lang ako ng flappy bird sa cellphone ko tapos maya maya nakatulog na din naman ako.

.

.

.

.

"WELCOME HOOOOOOOOOOOOOOOME!!!!!!!" sigaw ni Ate Susan pagkapasok namin sa bahay.

"Ate ingay mo =___=++" sabi ni Kaidee sabay upo sa sofa habang ako LAHAT ng bag naming dalawa ni Kaidee.

Aba natural ayoko mapagod si Kaidee lalo na't buntis sya noh!

"A-ah..." mahinang daing ni Kaidee tapos bumaluktot sya ng upo.

Agad akong naalarma nang makita kong hawak hawak nya yung bandang puson nya.

"Ayos ka lang?!" tanong ko.

Tumango lang sya pero nakabaluktot pa rin.

"Hahahahahahaha!!! OA mo Matt! :P" pang aasar saakin ni Ate Susan.

Binelatan ko rin sya tapos ibinaling ko ang tingin ko kay Kaidee.

"Aakyat na ako" sabi nya tapos tumayo sya at nag lakad habang nakabaluktot pa din.

Di ko maiwasang mag alala sa sakit na nararamdaman nya.

****KINABUKASAN****

"Kaidee~~" pagchachant ko sa pangalan nya sabay hop sa tabi nya.

"Problema mo?!" iritang sabi ni Kaidee saakin habang nag luluto.

"Gutom na ako~~" pa chant na sabi ko.

Kitang kita ko kung paano kumunot ang noo nya tapos sinamaan nya ako ng tingin.

"Why~'?" pa chant ulit na sabi ko.

"Pede ba tigilan mo ko sa ganyang ganyang ek ek mo?!" asar na sabi nya.

"Aye aye Kaidee!" sabi ko with matching salute effect pa.

Inirapan nya lang ako tapos ipinagpatuloy na nya yung pagluluto.

Pinapanood ko lang sya sa pagluluto nya.

My Angel DemonWhere stories live. Discover now