Chapter 46: Usapang anak

5K 116 5
                                    

"Hangga't maari, wala nang dapat madamay. Ang kasalanan ko ay kasalanan ko, labas na ang iba rito"

-Snow

~~

>

"Ano ba?! Bakit ka ba iyak ng iyak peste ka?!" sigaw saakin nung isang lalaki na nakahawak sa braso ko, isa to sa alagad nya.

Tiningnan ko lang sya ng masama ngunit nakangising nakatingin lang sya sa binubugbog kong kuya.

Kuya... Kuya Matt...

Kitang kita ko kung pano nya saktan ang kaibigan kong kuya ko na rin, kitang kita ko kung pano gustong lumaban ni Kuya Matt pero anong ginagawa ko?

Nakatayo sa malayo habang umiiyak lang at di man lang sya tinutulungan.

"Bakit nyo ba kasi ginagawa to?!" humihikbing tanong ko sa kanila.

"Aba anong malay ko?! Ako ba si Bossing ha?!" balik na sagot nya saakin.

Maya maya, nakita kong nilubayan na nya si Kuya Matt at naglakad na sya pabalik rito.

"Ansama mo talaga!" bulyaw ko sa kanya. "..Pati ba naman sila Kuya Matt idadamay mo?! Kung ako ang pakay mo edi ako na lang! Labas na sila Kuya dito!"

Tiningnan nya lang ako tapos tumawa sya ng walang humpay "HAHAHAHAHA!! Ikaw?! Pakay ko?! HAHAHAHAHAHAHAHA!!"

"Ano ba?!"

"Hindi ikaw ang pakay ko!" nakangising sabi nya.

"A-ano? Eh bakit—?"

"Bakit ikaw ang unang hinarap ko? ..Ewan ko. Pero ito ang tandaan mo," tapos inilapit nya ang mukha nya saakin "Sampid ka lang sa plano ko. Sila Matt ang kailangan ko, sila ni Kaila. At ikaw? Palipas oras ka lang, tnga. Kaya wag kang magsalita jan na akala mo importante ka" tapos dinuro nya yung noo ko at tinulak yun ng mahina. Nilagpasan na nya ako at sumakay sya ng kotse.

>

"A-ah aww aww hoo aww aww aw.."

"Baka gusto mo ng tali sa leeg? Aw ka ng aw jan, para kang aso" seryosong sabi ni Yame saakin habang may hawak na bulak at betadine, sa gilid naman nya ay palangganang may yelo at towel.

"Masakit eh *pout*" tapos tumingin ako sa sahig.

"Natural. Tss.. Lumapit ka nga. Di ko malinis ng maayos" sabi nya saakin kaya lumapit ako "..Hawakan mo muna to" tapos inabot nya saakin yung bulak na may betadine at yung betadine mismo.

Kinuha nya yung towel then piniga ito at ipinunas ng dahan dahan sa mukha ko. Nilinis nya ang parte ng mukha ko na may dugo at concentrate na concentrate sya sa ginagawa nya.

Habang ginagawa nya yun, di ko maiwasang mapatitig sa kanya.

Oo mukha syang seryoso ngayon, mukha syang walang pakielam saakin base on her facial expression pero kung titingnan mo syang maigi, parang may luhang gustong kumawala sa mata nya. I think, she's just holding her tears.

At di ko maiwasang makaramdam ng sakit sa bandang parte ng dibdib ko kada maaalala ko yung mga sinabi nya saakin.

8 months? 8 months isn't enough for me. I want to be with her, until eternity reaches us. Pero anong gagawin ko? He threated me. He gave me choices.

Buhay ng Pamilya ko at ni Yame o ang pagpapalaya sa kanya?

Tngna lang. Ang sakit mamili.

My Angel DemonWhere stories live. Discover now