Chapter 53: Text messages

3.9K 93 1
                                    

Kaidee's POV

"Nakuu Kaidee dear! Sigurado akong magkakabati kayo ni Baby Matt ko nyaaan! Ikaw pa? Hindi ka matitiis nun!" ngiti ngiting sabi ni Mommy Angie habang pinapadede si Sho sa kandungan nya.

"Pero Mommy Angie, ang dami kong nasabi sakanya na hindi naman dapat sabihin. Galit yun panigurado" mahinang sabi ko.

"Aynako! Wag negaaaaa! Tatanda ka agad nyan sige." matawa tawang sabi ni Mommy Angie at ibinaba yung dede ni Sho. I just smiled at her.

"Mmmmammmm..."

"Ano yun baby? Gusto mo na kay Mommy?" pag patol ni Mommy Angie sa ungot ni Sho.

Hindi ko mapigilang ngumiti sa bawat kibot at buka ng labi ni Sho. Feeling ko may gusto sya sabihin.

"Aigooo~ Kay Susan ba talagang anak to? Bakit kamukha ni Baby Matt ko? At hawig mo rin!" tuwang tuwang sabi nya.

"Mommy Angie, samin ipinaglihi yan ni Ate Susan" sagot ko.

"Oww.. Kaya pala. Aigoo~ Ang cute cute!"

"Oh? Kaidee ija, what brought you here?" pagpasok ng Daddy ni Door Matt kung saan naroon kami ni Mommy Angie "..dala mo pa pala si Sho. Hi Honey" at hinalikan ni Daddy Chester si Mommy Angie ng tumayo ito.

"Bumisita lang po" at yumuko ako as a sign of respecting.

*baby cries*

"Shhhh... Eto na eto na ibibigay na kita kay Mommy mo wag na iyak. Shhhh.." at binigay na ni Mommy Angie si Sho saakin.

"So ija, nasaan si Matt? Bakit hindi nyo ata kasama?" tanong ni Daddy Chester habang paakyat.

"Ahm nasa bahay po. N-naiwan" mahinang sabi ko pero enough na para marinig nya. Tumango tango lang ito at tumuloy na sa taas.

"Kaidee dear," sabi ni Mommy Angie at hinawakan ako sa balikat "..jan ka lang, igagawa kita ng favorite cookies ni Baby Matt ko para pang peace oferring na din" masiglang sabi nya. Hindi pa ko nakakaangal ng tumakbo na si Mommy Angie sa kusina.

Wala akong nagawa kundi ang maghintay dito sa salas. Buti na lang bukas ang TV at hindi ako maiilang kahit papano.

"Mmmm..."

Napatingin naman ako kay Sho. He's looking at me na para bang naaaninag nya talaga na ako ang Mommy nya. Ngumiti ako at hinaplos ko ang noo nya papuntang buhok nya.

After ng ilang minutes, nakarinig ako ng sasakyang pumarada sa tapat ng bahay nila Mommy Angie. Hindi ko ito pinansin dahil baka bisita lang yun nila Mommy Angie.

Maya maya pa ay bumukas yung pinto "Mommy! Pumunta ba dito si---" hindi na natapos ang sinasabi nya ng mapatingin sya sa gawi namin.

"What Baby? Sayin' something?" sabi ni Mommy Angie na lumabas ng kusina na may dala dalang jar ng cookies.

"Ah wala Mommy. Nandito lang po ako para sunduin ang mag-ina ko" tapos tumingin sya saamin ni Sho.

"Oww I see.. Sige sige umuwi na kayo at baka gabihin yang MAG-INA mo. Baka mahamugan pa si Baby Sho sa daan at sipunin" tapos nag wink si Mommy Angie saakin.

"Sige Mommy una na po kami" nakangiting sabi ni Matt at tumingin pa sakin.

"Okaaaaaay~ Ingat! Oh ito dalin mo. Gawa namin ni Kaidee dear yan!" sabi ni Mommy Angie at binigay kay Matt yung jar.

What? Hindi naman ako tumulong sa paggawa nun ah?

"Pero--" di pa ko nakakatapos magsalita ng putulin nya ako sa pagsasalita at itinulak ako ng mahina.

My Angel DemonWhere stories live. Discover now