Chapter 51: Happiness

4.3K 97 3
                                    

Kaidee's PoV

"Baby Shooooo~ Look oh, may toy si Tita Blo. Smile na dalii~" tapos pinakita ni Blossom kay Sho yung laruang kotse habang sa kabilang kamay nya ay may hawak syang camera.

"Ako din ako din! Tingnan mo, may bear si Tita Che oh. Smile Baby Sho!" sabi ni Cherry tapos pinakita nya kay Sho yung bear at sa kabilang kamay nya ay camera rin.

"Baby Sho~~" -Cherry

"Bulagaa~~" -Blossom

Kung ano-ano pang naririnig kong ginawa nilang magkapatid pero wala, NR pa din si Sho. Tulog pa rin.

"BABY SHO!!" sabay na sigaw ng kambal. Then...

*baby cries*

Agad akong naghugas ng kamay at tinigilan muna ang paglalaba ng mga susuotin ni Baby Sho. After ko patuyuin ang kamay ko ay nag-alcohol naman ako.

"Sige na Kaidz ako muna" pagpiprisinta ni Jill. Tumango ako at sya na ang magpapatuloy ng nilalabhan ko.

Kinarga ko si Sho at hinele-hele sya para tumigil sya sa pag-iyak. Mahirap na, baka kabagan to.

"Hehehe.. Sorry Kaidz. Gusto ko lang naman sya mapicture-an eh *pout*" sabi ni Blossom sa gilid ko.

"Ako din naman eh *pout*" sabat naman ni Cherry.

Nginitian ko lang sila ng matipid tapos hinele hele ko ulit si Sho tapos naghum ako. Pumunta sa magkabila kong gilid yung kambal para maki hum din. Maya maya, nagsimula nang magkikibot si Sho tapos tumigil din.

"Saglit saglit ayan naaaa~" pabulong na tili ni Cherry. Biglang naghikab si Sho atsaka naman sya pinicture-an ni Cherry.

"Omygod omygod! Ang cuuuuuuuute~" tili ni Blo. Nagsimula na namang maglikot si Sho tapos umiyak na naman sya.

"Ang ingay nung kambal. Hindi tuloy makatulog yung baby ko" biglang pagpasok ni Matt na may dalang crib ng baby. Actually di lang sya crib, pwede syang iduyan, pwede ring iistay lang like the usual cribs.

Kasunod nyang pumasok sila Miggy, Patrick at Jayson na may dalang mga pagkain na binili sa McDo.

"Kain muna!" sabi ni Patrick. Pinanlakihan naman sya ng mata ng kambal "Okay ang lakas ng boses ko" sabi nya tapos inilapag na yung mga pagkain sa lamesa.

Maya maya, lumabas na si Jill sa CR "Okay na Kaidz. Tapos na ko maglaba. Ibibilad ko lang to sa araw" sabi nya. Tumango ako tapos naglakad na sya paakyat. Busy naman sila Patrick sa pagkain.

"Matt?" tawag ko sa kanya habang nag-aayos sya ng higaan ni Sho.

"Hmmm?"

"Ano sabi sa.." napatigil ako at tiningnan ko si Sho na karga ko "katawan ni Ate Susan?" dagdag ko.

Napatigil naman sya sa pag-aayos "Sabi sa morgue may kumuha daw sa katawan ni Ate Susan. Babae daw"

"Sinabi ba yung pangalan?" tanong ko.

"Sinabi daw. Pero ayaw sabihin sakin nung nakausap kong lalaki yung pangalan. Ni ayaw din idescribe yung itsura." mahinang sabi ni Matt. Napatango na lang ako.

Naaawa ako kay Sho. Kalalabas pa lang nya sa mundo, nawalan agad sya ng nanay.

Sabi sa balita, may nagpakamatay daw na babae sa building ng isang ospital. Tumalon daw ito mula sa rooftop. Then nung inimbestigahan nila yung babae, napag-alamang si Ate Susan ang babaeng nagpakamatay.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon