Chapter 31: Birthday Party (part 2)

5.5K 127 3
                                    

<<Kaidee's POV>>

*WEEEEEEEEEEEENG*

"Kaidee paki hinaan yung sounds nyang nilalaro mo" sabi ni Ate Susan sa harap namin na obvious ang pagka antok sa boses nya.

Tinanggalan ko ng sounds yung phone ko.

Ipinikit ko ng mariin ang mata ko dahil nahihilo na ako.

Itinuon ko na lang ulit ang tingin ko sa cellphone ko dahil naglalaro ako ng Need for Speed Shift.

Ibinaba ko na ang phone ko tapos itinago ko ito sa bulsa ng bag ko.

Siopao! Almost 1 hour ko nang tinitiis ang hilo ko na to.

Isabay mo pa yang pesteng pagsakit sakit ng ulo ko!

Napakagat ako sa labi ko at ipinikit ng mariin ang mga mata ko.

Siopao talaga. Di talaga ako sanay mag byahe!

Nakakapeste pa kasi nalimutan kong magdala ng Vics or Catinco man lang!

Ibinaling ko ang tingin ko sa bintana pero lalo lang akong nahilo dahil sa mabilis na pag andar ng bus.

Ibinaling ko naman ang tingin ko sa natutulog na si Door Matt.

Well di ko sure kung tulog ba sya kasi naka sun glasses sya eh.

Napahawak ako ng mariin sa laylayan ng damit ko.

Kahit anong pilit kong makatulog wala talaga eh, nahihilo talaga ako. :(

"Anong problema Kaidee?" tanong ni Door Matt.

Yes! At last nagising din sya!

"Teka namumutla ka ah. Anong nangyari? Anong nararamdaman mo? Ayos ka lang?" sunod sunod na tanong nya tapos hinawakan pa yung magkabilang pisngi ko gamit yung dalawang palad nya.

"N-nahihilo at m-masakit l-lang ang ulo k-ko," matamlay kong sabi "..n-nalimutan ko k-kasing m-magdala ng v-vics" dagdag ko pa.

Ngumiti lang saakin si Door Matt tapos pinunasan nya yung malamig kong pawis gamit ang dalawang palad nya.

Tumayo sya tapos may kinuha sya doon sa bag nya.

"Hehehe... Nakita ko kasing di mo nailagay to sa bag ko kaya dinala ko" pakita nya saakin nung malaking vics.

I show my half smile to him na para bang sinasabi kong 'thank you'

"Lika lapit ka" sabi nya saakin.

Mejo inilapit ko ang katawan ko sa kanya.

"Tali ko lang muna buhok mo ah?" sabi saakin ni Door Matt kaya tumango ako.

I felt his soft fingers gently stroking my hair. My facial expression lessen up a bit. I felt relieved.

"I can't bear to look at your pained expression and I think this would help a bit" tapos pinupusod nya yung buhok kong nakasabog sa mukha ko.

Kahit na pinoponyhan nya ako ngayon, di sumagi sa isip ko ngayon na bakla sya kasi naamaze ako sa kanya.

Rare lang ang lalaking marunong magtali sa buhok ng babae kasi yung iba bakla na.

My Angel DemonWhere stories live. Discover now