Chapter 56: A talk with Snow (part 2)

3.7K 93 0
                                    

Matt's PoV

"Urgh.." nagising ako ng maramdaman ko ang hapdi sa mukha ko at may nagpupunas ng mukha ko. Pagdilat ko, isang batang kalye ang nasa harap ko at may hawak na bimpong basa. Iginala ko ang paningin ko. Nasa eskinita pa rin ako.

"Kuya ang dami mong sugat" tapos tinuro nung bata yung mukha ko. Ngumiti lang ako tapos tumango.

Naalala ko, susundan ko pala si Yame!

Tumayo agad ako pero bago ako umalis, binigyan ko ng 200 pesos yung bata "Oh bata ipambili mo yan ng pagkain ah? Sige salamat!" tapos tumakbo na ko pero wala rin, wala na si Yame.

Nafufrustrate na ko. Ewan ko. Pakiramdam ko sasabog ako. Hindi ko alam kung sa galit o sa panghihinayang o sa ewan basta ang alam ko, naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa Bar ko.

bago ako pumasok, may nakita ako sa kabilang kalye sa pagitan ng eskinita na to na may tumilapon na lalaki. Nacurious naman ako kaya tinahak ko yung daan papunta dun at nakita ko si Snow na napapalibutan ng maraming lalaki.

Takte ang dami nun ah! Kaya nya yun? Babae pa sya!

Nagsimula na silang magsisugod. Unfair kaya tumulong na rin ako. Dito ko na lang ilalabas lahat ng nararamdaman ko.

Buong lakas kong sinuntok yung lalaki na nasa gilid nya. Sinuntok nya rin ako pero binawian ko sya ng isang malakas na suntok. Sinipa ko yun papunta sa nasa likod nyang lalaki. Nagkauntugan sila. Lumingon ako kay Snow at nakita ko kung pano nya salagin yung lalaking may hawak na pamalo. Ipinansalag nya yung braso nya at masasabi ko lang na ang sakit nun! Nung makabawi sya, sinuntok nya sa bagang yung lalaki at sinipa ito.

Hindi pa sya nakuntento, sununtok pa nya ng isa yung mukha ng lalaki at binuhat ito at sinuntok ulit. Nagulat ako ng may sumuntok sakin sa gilid. Sht. Napatunganga na pala ako kay Snow. Sinuntok ko rin yung lalaki sumuntok saakin at inuntog ko yung noo ko sa noo nung lalaki. Sht. Ang tigas!

Biglang may humila sa likod ng damit ko at pagharap ko ay si Snow pala yung humila saakin. Nakatanggap ako ng isang suntok sa kanya at tinulak nya ako ng sobrang lakas dahilan para mapalayo ako sakanila. "JAN KA LANG! WAG KANG MAKIELAM!" sigaw nya saakin. (ng pinapalaki ang boses nya)

Pinunasan ko ang labi ko ng malasahan ko ang dugo ko. Sht. Ang lakas na suntok nun para sa babae. Napatulala na lang ako habang pinapanood ko syang makipaglaban.

Kitang kita ko kung pano maglabas ng baril yung lalaki. Sinipa bi Snow yung kamay nung lalaki at sumampa si Snow sa may balikat nun. Binali nya yung leeg nung lalaki at nung pagkatumba nung lalaki ay may sumugat naman sa braso ni Snow. Siniko ni Snow yung tyan nung lalaki at inagaw yung kutsilyong hawak nun. Sinaksak nya yung lalaki at nung may sumugod sa kanya, sinaksak nya sa mata yung lalaki. Hindi pa sya nakuntento at sinaksak nya yung hawak nyang lalaki kanina at sinaksak pa ng paulit ulit.

Itinapon nya yung pinagsasaksak nyang lalaki kung saan saan at yung kutsilyong hawak nya at isinaksak nya sa likod nung lalaking binalian nya kanina ng leeg. Tiningnan nya ng masama yung natitirang lalaki. Tatakbo sana ito kaya lang pader na lang ang nasa likod nung lalaki. Mukhang natakot yung lalaki kaya tumakbo ito kaya lang nahuli ni Snow yung lalaki ng hawakan nya ito sa braso. Hinila nya ito at sununtok ng isa. Nang mahawakan ni Snow yung ulo nung lalaki ay inuntog nya ito ng paulit-ulit.

Hindi ko na kaya ang nakikita kong kabrutalan nya ng sugurin ko sya at niyakap sa likod. Nabitawan nya yung hawak nyang lalaki kanina "Tama na." bulong ko.

Ramdam na ramdam ko ang panginginig nya at ang pagyukom ng kamao nya. Galit sya. Galit na galit sya. Ramdam ko yun.

Hinawakan nya yung isa kong kamay. Nilagay nya yon sa balikat nya at--

My Angel DemonWhere stories live. Discover now