Chapter 6: Ang Punishment ng Tamad

9.2K 240 4
                                    

Kaidee's PoV

Naalimpungatan ako bigla sa di malamang dahilan. Nagtaka naman ako nang pagmulat ko ng mata ay nasa kwarto na ako.

‘Sino nagdala sakin dito?’

Kinapa ko pa ang aking likod dahil may nakabukol na ewan. Pagkapa ko eh towel lang pala.

Napatingin naman ako sa kaliwa kong kamay.

‘Bakit may singsing to dito?’

Napaisip ako saglit…

Ayy.. Oo nga pala. KASAL na pala ako =____=

Nakalimutan ko eh =3=

Inamoy amoy ko pa ang aking sarili kasi nga diba pawis na pawis ako kanina?

Kahit wala akong amoy ay naligo pa rin ako.

Kumuha muna ako ng tuwalya tapos bumaba muna saglit nang maalala ko yung Door Matt na yun. Pagbaba ko eh nakita kong nasa may salas lang pala.

Lumapit ako sa kanya at tinapik ang balikat nya dahil busying busy sya sa panonood ng tv.

“Magbihis ka.” Sabi ko in cold tone with matching poker face pa. Yan naman talaga ang expression ko araw araw eh =,=

“S-saan tayo p-pupunta?” tanong nya sakin sabay nilingon ako.

“Basta magbihis ka. Hintayin mo ko.” Sabi ko sabay talikod at pumasok ulit sa kwarto ko at naligo na.

~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X~X ~

After ng 20 minutes na paliligo ko (oo na, ako na mabilis maligo =_____=)  ay lumabas na ako ng kwarto (nakabihis na ako syempre) Pagtingin ko dun sa Door Matt na yun eh nakabihis na sya pero nanonood ulit ng tv.

Psh.. Adik!

Lumapit ako sa kanya at pinatay yung tv. Tiningnan nya ako ng may pagtataka pero tiningnan ko naman sya ng masama at tumango na para bang nagsasabi ng ‘tara na’

Mukhang nagets naman nya kaya tumayo sya at kinuha yung susi ng kotse nya.

Nauna ako sakanya kasi ambagal nya =___=

Pagsakay ko dun sa tabi ng driver’s seat ay saktong pagsakay na rin ni Door Matt. Tumingin na lang ako sa kanan ko kesa tingnan ang pagmumukha nya.

Nagsimula na syang magdrive papalabas ng subdivision namin.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong nya sakin habang nakatingin sa daan.

“Market.” T ipid kong sagot sa kanya.

“Anong gagawin natin dun?” tanong nya ulit tapos sumulyap sakin ng sandali.

Siguro magsuswimming kami sa market =___= Tinatanong pa ba yan?!

“Punishment mo” sabi ko. Nakakatamad magsalita!

“Anong p—“

“Manahimik ka. Ang ingay mo” pagputol ko sa sasabihin nya. Ingay kasi! Daig pa ‘kong babae sa pag dadaldal!

“Pagkatapos kong bvfjvndcmvdfmbm cnfhvcdxmsdxmhfehgtgnvfvdfmnfdvdferggvdffnkcsdms,dngbm fg mo.” Mahinang bulong nya.

Ano daw? After kong marinig yung ‘Pagkatapos kong’  na sinabi nya eh wala na akong narinig na kasunod pang word bukod sa ‘mo’ nyang huling sinabi.

Psh.. Bahala sya jan.

Habang nakatingin ako sa may labas ay may biglang pumasok sa isip ko.

MWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA !! >:D

My Angel DemonМесто, где живут истории. Откройте их для себя