Special Chapter 3

5.1K 117 8
                                    

Kaidee's PoV

"Yame eto ha," tapos pinakita nya saakin yung basong babasagin "..in case na sumakit na talaga ang tyan mo at pakiramdam mo manganganak ka na, basagin mo lang to. Maririnig naman kita promise" tapos nginitian nya ko.

Tumingin ako sa baso tapos sakanya. Sa baso ulit tapos sakanya. Niloloko ba nya ko? Eh pano kung matapakan yun ni Sho or namin? Edi nabubog pa kami -_-

Ang dami kasing pauso netong Door Matt na to. Lahat ng parte ng bahay na to nilagyan nya ng basong babasagin. Sabi nya nga, para in case daw na manganak ako.

"Gets mo ba?" nakangiting tanong nya. Tumango lang ako.

"Hayy.. Lalabas na ang baby namin" tapos niyakap ni Matt yung tyan ko at hinimas himas yun "Baby, wag masyado pahirapan si Mama ha?" pagkausap nya sa tyan ko. Eto ako, mukhang ewan na nakaupo sa rocking chair at nakatingin sa kanya, emotionless.

"Yame ngiti naman jan!" pagbibiro nya saakin. I fake a smile. Gusto ko talaga labhan yung mga damit ni baby! KJ naman ni Matt. Tss..

"Ah Matt," panimula ko. Psh.. Parang gagawa naman ako ng masamang gawain neto T^T "..magpapahangin lang ako sa rooftoop ha?" pagpapaalam ko. Nagcross fingers pa ako sa likod.

Tumingin sya ng parang nagsususpetya saakin. Putek na to. Ang damot -_- Ngumiti rin sya "Sige pero sasamahan kit—"

"Wag na!" medyo pasigaw kong sabi kaya naningkit lalo ang singkit nyang mata "Kasi para naman magka quality time kami ni Baby diba? Atsaka mas relaxing pag mag-isa" then I fake smile. Maniwala kaa~

"Eh pano kung manganak ka na dun?"

"Hindi yan!"

"Eh pano kung madulas ka dun?"

"Hindi yan!" I said "Kasi Matt, eto lang hinihiling ko sayo ngayon. Gusto ko muna gawin ang gusto ko ngayon nang hindi ako palaging nakaburo dito sa loob ng bahay. Pano na lang nyan si Baby? Hindi nya makikita kung gaano kaganda sa labas, lalo na yung ulap" sige lang, magdrama ka pa Kaidee. Matino yan.

Saglit syang napaisip. "Di ba lagi naman tayong naglalakad lakad tuwing umaga?"

Ano baaaaaaaaaaaaaa! "Matt." mababang tonong sabi ko. Alam na nya yan. Naiinis na ko.

"Joke lang! Sige na" then he smile then I gave him a smack kiss. Tingnan mo to. Kasura, papayag din pala :/  Inalalayan na nya ako tumayo. Medyo hirap na kasi ako tumayo pag nakahiga dahil lumalaki na si Baby.

Umakyat ako at pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang lampen at mga damit na susuotin ni Baby at isiniksik ko lahat yun sa loob ng dress ko. Hindi naman halata. Malaki na nga kasi tyan ko :3 Nung lumabas ako, nakita kong tinatanaw pa rin ako ni Matt ng tingin. I smiled at him, a sweet smile then pumunta na ako sa rooftop.

Umupo muna ako sa upuan ng maramdaman kong gumagalaw si Baby at nakakaramdam ako ng sakit. Napahawak ako sa tyan ko.

"Yame anong problema?" biglang pagsilip ni Matt. Umiling ako "Wala to. Nangalay lang ako sa pag-akyat" I lied. Oo na. Eh kasi naman, mag-aalala na naman yan :3 Baka dalhin ako sa ospital in no time. Eh hindi pa naman ako naglelabor :3 "Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko wag ka dito?" then tinaasan ko sya ng kilay.

"Hehe.. Chinecheck lang kita. I love you Yame!" tapos bumaba na sya. Sabi na nga ba e. Ichecheck nya ko dito :3

Inorasan ko ang sakit. 5mins. pa lang naman sya so wala pa. Hindi pa ko manganganak. Tumayo ako at umupo sa maliit na upuan at nagsimula nang maglaba.

My Angel DemonМесто, где живут истории. Откройте их для себя