Chapter 33: Birthday Party (part 4)

5.3K 119 4
                                    

<<Matt's POV>>

Argh!! Bwiset!!

Bakit kasi naisipan nung kumag na Patrick na yun na isurprise yung pagpeperform nila Kaidee ayan tuloy nakapag suot sya ng ganung damit!!

Yang si Kaidee naman pumayag pa!! Meron pang part na ansexy ng steps nila!!

Nanggigigil ako!!! >:(

Pano na lang kung nakita sya nung gagong manyak na yun kanina?! Bwisit talaga!!

"A-ah Matt, w-wag mo imassacre ang p-pagkain.." sabi saakin ni Ate Susan.

Tiningnan ko yung pagkain ko.

Gutay gutay na gulay, nakasabog na kanin at yung tinidor ko nakatusok pa sa butas butas na karne.

*sigh*

Tumayo ako sa inuupuan ko at nagpagpag ng coat ko.

"Pahangin lang ako" sabi ko at tumango naman si Ate Susan habang sila Jayson at Patrick ay nakatingin lang saakin.

Pumunta ako sa may terrace ng venue para magpahangin.

Tiningnan ko ang kalangitan.

Napaka ganda.

"Problema mo?" isang malamig na tinig ang narinig ko sa likod ko.

Si Kaidee pala at ganun pa rin yung suot nya.

Kitang kita ko pa rin ang tyan nyang maputi at bagay sa kanya ang make up nya.

Bakit ba ako naiinis? Dahil sa suot nya? O dahil sa maraming nakakita na ngumiti sya?

"Ang ganda m--Tch! Wala!" sabi ko tapos tumalikod na at nilagpasan sya.

Peste! Naalala ko pa din ang pamamanyak sa kanya tapos heto sya ngayon, nagsusuot ng damit na kamanyak manyak at pati ako namamanyak!

Ah sh*t!!! Joke lang!!

Pumunta ako sa may garden tapos doon ako tumambay saglit.

Wala tumambay lang talaga ako dito.

Kung yung iba naninigarilyo kapag tumatambay, ako hindi. Kasi sabi ni mommy, ang ganda daw ng labi ko para manigarilyo ako atsaka masama daw sa kalusugan yun.

Nang maisipan kong pumasok na sa loob, pumasok kaagad ako.

Pagpasok ko ay wala pa din sila Jill at Kaidee pero yung anim ay nakaupo na sa reserved seat nila.

Nasan na naman sila?

Itinuon ko na lang yung tingin ko sa may stage kasi may nagpeperform doon habang ang iba naman ay nakikipag kwentuhan habang kumakain.

Nang matapos yung mga nagpeperform ay umakyat muli ang MC sa stage.

"Thank you for the beautiful performance team imuseo!! Now were--" di na natuloy yung sasabihin nung MC nang lumapit si Sunny doon at may binulong.

"O-okay! There's a last performer! Wow! Last but not the least, let's welcome the three beautiful ladies, Jillian, Tiffany and Kaidee!!" sabi nung MC tapos nagpalakpakan sila.

Sasayaw na naman sya?!!!

Bumukas yung kurtina na nasa likod ng MC kanina tapos nakita kong nakatayo sila Jill, Kaidee at Tiffany na may microphone na hawak.

"Good evening ladies and gentlemen," panimula ni Jill at Tiffany "..We will sing a song for our celebrant" at nag bow silang tatlo.

Magsasalita pa sana sila Jill at Tiffany nang sumingit si Kaidee "Yah kambal puno! Di ba gusto nyo ulit  akong marinig na kumanta? Pagbibigyan ko kayo ok? Simple gift ko na din to. Happy birthday. 사랑해요 Cherry and Blossom. [I love you]" sabi nya then a small smile form on her lips.

My Angel DemonWhere stories live. Discover now