Chapter 54: Apart

3.5K 84 0
                                    

Matt's POV

Pagpasok ko pa lang ng Coffee Shop, nakita ko agad si Olga na nakaupo sa unang upuan malapit sa entrance at kumakain ng cheesecake.

"Olga!" masiglang bati ko. Ang tagal na simula ng hindi namin sya nakita e.

Tumayo si Olga sa upuan nya at humarap saakin. Nawala ang ngiti ko ng mapatingin ako sa tyan nya. Malaki ito. Buntis sya?

"B-Buntis ka?" gulat na bulong ko atsaka ko itinuro ang tyan nya. Napakagat sya sa ibabang labi nya at hinatak ako paupo.

Nag-aalinlangan ang mukha nya kung titingnan mo yon "Oo Kuya Matt eh. *sigh* I-ito sana yung sasabihin at ipapakita ko sayo" sabi nya at yumuko.

Katahimikan..

Hindi ako makapaniwala. Sya? Buntis? Ang little sister ko buntis? Ang bata pa nya ah!

"T-teka nga. Yan ba yung dahilan ng pagkawala mo ng biglaan? Atsaka sino ang ama nyan?" tanong ko sa kanya.

Tumingin sya saakin at may lungkot sa mata nya "Oo nga. Eto nga yung dahilan kung bakit bigla akong nawala at hindi nakagraduate. Ang ama? Sya lang naman" sabi nya at nababasag na ang boses nya.

Sya? Sino? Bakit hanggan ngayon ayaw nya sabihin ang pangalan kung sino ang ama ng anak nya?

"Sya? Sinong sya? Yun bang bumaboy sayo?" tanong ko.

"Ayoko sabihin Kuya Matt. At oo, sya nga" matigas na sabi nya.

"Hanggang ngayon ba Olga hindi mo sasabihin sakin kung sino ang ama nyan? Buntis ka na oh! Papalakihin mo yang batang yan ng mag-isa?!" may kataasan na ang boses ko. Naiinis na ko. Ayoko namang magdusa sya mag isa habang yung p******na na bumaboy sa kanya ay pasarap buhay lang!!!

"I told you Kuya Matt, you're out of this. Problema ko to. At oo Kuya Matt, hangga't kaya ko, papalakihin ko ang bata mag-isa. Kahit na hindi pa malaman ng tatay nya" malungkot na sabi nya atsaka nya hinimas ang tyan nya.

Napabuntong hininga ako "Sila Kaidee pala, alam ba nilang Buntis ka? Ang parents mo, alam ba nila?" tanong ko.

"Ang parents ko? Oo alam nila. Sinusoportahan nila ako pero I refuse to tell them kung sino ang ama. They respect my decision naman. Sila Kaidee? I don't think na kaya kong sabihin sa kanila" sabi nya at kumain ng cheesecake.

"Bakit naman?"

"Ayoko sabihin sakanila. Kung kailangan kong ideny, idedeny ko. Ang bata ko pa masyado para maging ina. Sobramg nahihiya ako sa kanila. Baka kung ano isipin nila saakin. Mabuti na to para hindi na ko makatanggap pa ng panghuhusga ng iba" mapait na sabi nya.

"Trust me, hindi sila ganung klaseng mga kaibigan. At ano gagawin mo? Magsisingungaling ka sakanila? Maglilihim ka?" tanong ko. Tumango naman sya at bakas sa mata nya ang lungkot. I sigh.

"Anong gagawin natin? Hindi natin pwede itago sa kanila yan dahil malalaman at malalaman rin nilang buntis ka. Lalo na ngayon na ang laki na ng tyan mo. Yan ba yung bunga nung pinuntahan kita sa bahay mo dati?" tanong ko. Yung sinasabi ko ay yung gabing pinuntahan ko sya bago ang libing ni Baby Trish.

Nagtext sya saakin dahil binaboy nga sya nung lintek na lalaki na yun nung gabing yun!! Akala ko maaabutan ko ang lintek hindi rin pala!!

"Oo ito nga. Hindi ko alam ang gagawin ko. But anyway, malapit na ko manganak. Haha! Makikita na natin sya" masayang sabi ni Olga. Napangiti naman ako.

Sana hindi maging kamukha nung hayop na yun ang anak ni Olga -__-

"Oo nga! Hehe.. Panigurado gwapo yan! Mana yan sa--Y-Yame.." nahagip bigla ng mata ko si Yame sa entrance nitong shop habang nag-uusap kami ni Olga. Lumingon sya saakin at nakita kong umiiyak sya.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon