Chapter 5: War ba kaagad?

8.1K 235 3
                                    

 Kaidee's PoV

Inilibot ko ang mata ko sa bahay NAMIN.

Oo naming ng ASAWA ko.

Oy don’t get me wrong people! Di porket sinabihan ko yung lalaking yun ng asawa eh mahal or gusto ko na yun!

Asawa ko naman kasi talaga yun. Tch.

Muli kong iginala ang aking mga maliliit na mata sa buong bahay.

Ano ba yan di pa maayos!

Yung mga furniture nakalagay kung saan saan! (except sa beds at cabinets na nasa kwarto na)

Napatingin naman ako dun sa mga box at sa mga bags dun sa gilid. Tiningnan ko kung kanino un nakapangalan.

‘Matt’

Ah. Sa kanya pala.

..

….

Wait.

Edi ibig sabihin kanina pa sya nandito at hindi man lang inayos yung mga gamit nya at mga furniture dito?!

Grrrr………

Humanda sakin yun mamaya!!!! >:(

Padabog kong kinuha yung isang box nya tapos inilagay dun sa kwarto na may blue na pinto. Pagpasok ko eh nandun na yung bed nya na wala pang bed sheet tapos may cabinet na dun na wala pang laman.

Binuksan ko yung box at nakita kong puro pictures, wall pictures, box na maliit, etc.

Itatambak ko na lang sana yung mga gamit nya dun nang biglang may moment na pumasok sa isip ko.

Flashback..

“Salamat” sabi ni daddy kay mommy sabay alis nang wala man lang paa-paalam sakin o kay mommy.

Naiinis nanaman ako kay daddy. Paano ba naman pagkatapos syang pagsilbihan at alagaan ni mommy bigla na lang aalis ng walang “I love you” man lang.

Hayyyyyyyyyyyyyy…….

Nilapitan ko si mommy nanakatingin sa may table sa garden.

“Mommy?”  mahinang tawag tawag ko sa kanya sabay upo dun sa lap nya.

"Hmmmm..? Bakit Kai-kai baby?" tugon nya sabay tingin sakin nang nakangiti. Iniangat nya yung kamay nya at inilagay yung mga strands ng buhok ko na nakaharang sa aking mukha papunta sa likod ng kanang tenga ko. Napangiti naman ako ng patago pero ngumuso din agad.

"Yah mommy! Di na ako baby! 8 years old na po kaya ako noh! =3=" sabi ko sabay inirapan ng pabiro si mommy. Medyo napatawa naman si mommy sa inasta ko.

"Ang cuuuuteee talaga ng baby ko!," sabi ni mommy habang kinukurot yung dalawang pisngi ko "... kaya mahal na mahal na mahal kita eh!" pagpapatuloy nya pa sabay yakap sakin ng mahigpit.

Niyakap ko din sya ng mahigpit.

"ayy mommy," sabi ko tapos kinalas yungpagkakayakap sa kanya "...bakit nyo pa rin inaalagaan si daddy kahit na ganun sya?" pagpapatuloy ko tapos pinagdikit ang dalawang hintuturo ko at ngumuso pa.

Hehehehehehe.. Pampa cute lang :P

Bumuntong hininga naman si mommy sabay nagsalita, "Alam mo Kai-kai baby kahit anong mangyari, kahit na di mo na sya mahal o let's say di mo TALAGA sya mahal, dapat alagaan pa rin ang ating asawa." sabi ni mommy habang nakangiti.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon