Chapter 38: I can't believe it

5.6K 125 2
                                    

[A/N: Obviously, nagtimeloop po sya kasi nangyari to August and the previous chapter and the present chapter (tama ba? XD) ay October :) ]

(AUGUST XX, 20XX @ 10:53 PM)

>

"L-lagot ka s-sakin..." sabi nung lalaki na nasa gilid ko.

Nakita kong babarilin nya ko kaya inunahan ko sya at sinuntok ko kaagad sya na naging dahilan ng pagkatulog nya.

Hingal na hingal kong tiningnan ang pitong lalaking pinatumba ko.

Shet. Sinong hindi hihingalin eh mga bakulaw to? Mas malalaki pa sila sa daddy ko pero shet lang, parang mas mahihinhin pa sakin kung sumuntok at kumilos. -,-

Yan ang disadvantage ng mga bakulaw eh.

Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng pawis ko sa mukha at ang buhok ko ay basang basa na din ng pawis.

Ikaw kaya pagsuotin ko ng black na jacket at jogging pants, nakalugay pa buhok mo tapos nakipag away ka pa, tingnan natin kung di ka pagpawisan -,-

"YAH! DID YOU KILL THEM ALREADY HUH KILLER?!" sigaw ng babae na nasa likod ko.

Poota. Bakit ko ba niligtas to? -,-

At ano daw? Ako killer? Putek. Supalpalin ko kaya nguso netong babaeng to? -,-

Lumapit ako sa kanya tapos ibinato ko sa kanya yung bag nya at yung pangitaas nyang damit.

"Di ko sila pinatay. Checkin mo pa eh" sabi ko nang di ginagamit ang natural na boses ko.

Bakit ba kasi ganyan ang suot nitong babaeng to? Gabi na kung makapag suot ng paldang maiksi at ng spaghetti sando kala mo init na init sa mundo. O baka naman trip nya talaga magpahalay? Lol.

"Ouch ha! Did you know me huh?! I'm Olga Villafuerte! The daughter of great James Villafuerte! One of the very successful man in Asia!" pagdadaldal nya saakin.

"So? Kung anak kanya, bakit nag-aaral ka sa public school?" tanong ko.

"Pakielam mo?! Teka... PANO MO NALAMAN?!!! STALKER KITA NOH?!!" bulyaw nya saakin.

Putek. Ang ingaaaaaay!!

"Lol. Stalker mo mukha mo" sabi ko.

Inirapan nya lang ako tapos isinuot na nya yung damit nya.

Di ko na sya hinintay na matapos at iniwan ko na sya doon.

Bahala sya kung marape na sya ng tuluyan doon. Paki ko sakanya? Ni hindi man lang nagpasalamat -,-

Sabagay, di ko naman ikatatangkad yung salamat nya eh so, ayos lang. Saksak ko pa sa baga nya yung salamat nya eh.

Bakit ba ako inis na inis dun? Lels.

Nakapamulsa akong naglakakad sa madilim na daan at sinusuklay suklay ko pa ang basang basa kong buhok.

*sigh* Nagiging super hero nako putek. Una, tinulungan ko yung batang babae na binubugbog ng tatay at pangalawa yung madakdak na Olga na yan. Ang plano ko ang talaga eh si dad lang ang 'ililigtas' ko pero heto ako ngayon, instant super hero -,-

"UWAAAAAAAH!!! MAMAAAAAAAAAA!!!!"

Napatigil ako sa paglalakad nung marinig ko ang iyak ng isang bata sa tabing kalsada.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon