Chapter 47: Bad as you

4.9K 108 1
                                    

Third Person's PoV

Tik.Tok.Tik.Tok.Tik.Tok.

"Hayyy..." usal ni Matt sa sarili habang naka tingin sa kisame ng kwarto nya habang nakahiga.

Wala kasi ito sa bahay nila ni Kaidee dahil napag-usapan nilang mag-asawa na uuwi sila sa kani-kanilang mga magulang pag dating ng Pasko. Si Susan ay wala nang mga kamag-anak pa kaya kay Matt sya sumama.

"Hey Tito! Zup?" biglang pagpasok ng 14 years old na pamangkin nyang si Odysseus Ceres Midfield o Zeus for short, ang nakatatandan kapatid ni Venus. Pero ang pinagkaiba nilang magkapatid, si Venus ay slang magtagalog while si Zeus ay fluent sa tagalog. Bilingual nga lang! xD

"Ayos lang. Ikaw?" tapos nag fist to fist pa silang mag-Tito na para bang magkatropa lang.

"Gwapo pa rin. I heard may asawa ka na daw. Is it true?" at humiga din si Zeus sa tabi nya.

"Oo. Tsk.. Yan kasi, may pa-uwi-uwi pa kasi kayo sa England na nalalaman! Huli ka tuloy sa balita" sagot ni Matt.

"Whatever. But I want to stay there for good" tapos binuksan ni Zeus ang TV.

"Anong ibig sabihin mo ng 'you want to stay there for good'?" takhang tanong ni Matt sa pamangkin.

"You see Tito, marami akong pwedeng ligawang babae doon na hindi pa-hard to get unlike here, mga pakipot pa hindi naman sobrang magaganda, mga babaeng mukhang clown sa perya at naghihirap pa kaya kinukulang sa tela ang mga suot nila. Mga magagaspang naman ang balat at-aww Tito ang sakit ha!" reklamo ni Zeus.

"Loko ka ah! Makalait ka sa mga Pilipina akala mo di Pilipina nanay mo." panenermon ni Matt.

"Yeah right but try to compare my mom to other girls there, mukha lang silang chiminia-a" tapos nag make face si Zeus "Anyway, may I see your wife's picture?"

Kinuha ni Matt yung cellphone nyang nasa side table lang tapos ipinakita nya kay Zeus yung wallpaper nya at yung iba pang pictures ni Kaidee sa phone nya "Ayan ang asawa ko. Ganda diba?" nakangiting sabi ni Matt.

"Woah! She's really pretty! You're very lucky to have her Tito. Pero bakit di sya ngumingiti sa pictures? Dun lang sa wallpaper mo sya nakangiti." tanong ni Zeus.

"Stolen pictures kasi! Asan ang utak fre?! Asan?!" pabirong sigaw ni Matt sa pamangkin.

"Here." tapos itinuro ni Zeus yung ulo nya "Di mo alam Tito? Kawawa ka naman! Mukha kang chiminia-a!" pang-aasar ni Zeus.

"Ano ba yang chiminia-a na yan?! Kanina mo pa sinabi yan ah!" iritang sabi ni Matt.

"Chiminia-a means katulong!" proud na sabi ni Zeus.

"Lels. Gay language yan ah. Bading ka talagang tukmol ka" tapos binelatan ni Matt ang kanyang pamangkin.

"Hindi ako bading! Naririnig ko lang yan kay Deya no! Nakakahawa talaga yung panget na yun!" inis na sabi ni Zeus.

"Sus! Pa-panget panget ka pang nalalaman eh crush mo naman si Kissandrea! HAHAHA!!" pang-aasar muli ni Matt.

"What the-" aapela pa sana si Zeus nang..

"ODIIIIIIIII!!!!! ASAN KA BA??!! GUSTO KO PUMUNTA NG LANGIT!!! LABAS JAN DALIII!!!" rinig nilang sigaw ng kung sino sa labas.

"Oh speaking of Kissandrea, oy Zeus! Hinahanap ka na ng pinakamamahal mong Deya! Dalhin mo na daw sya sa langit! HAHAHAHA!!" at tumawa ng walang humpay si Matt ba syang ikinapula ng mukha ni Zeus.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon