EXTRA CHAPTER: CheSon couple/ MigJi date & BloTrick (?)

5.4K 119 11
                                    

[A/N: Ang timeline pong ito ay the day before next chapter :)]

<<Third Person's POV>>

"MURAAAAAAAAAAAAA!!!!!!" hiyaw ni Cherry nang makita nya si Jayson sa ilalim ng puno at nakaupo sa blanket na nakalatag.

Napangiwi si Jayson dahil sa paghiyaw ni Cherry at dahil sa pagtakbo nito. Buti na lang ay walang tao sa lugar na iyon kundi maririnig nila ang pagtawag sakanya ni Cherry.

Nang makalapit ang pawisang si Cherry ay agad na naglabas ng towel si Jayson atsaka ipinunas  sa mukha ni Cherry.

'Definitely beautiful...'

"Mahal, diba sabi ko sayo wag mo ko tatawaging Mura? Ampangit pakinggan eh" sabi ni Jayson habang pinupunasan si Cherry.

"Eh? Bakit naman Mura?" takang tanong ni Cherry.

'Ayt. Andaming tanong naman neto.'

"Why don't you call me Mahal too instead of asking why?" tanong ni Jayson.

"Eh kasi magiging Mura naman ako. Eh diba si Mura lalaki? Ayoko ngang maging lalaki kaya ikaw si Mura! ^___^" nakangiting sabi ni Cherry.

'Hayyy... Sinasaltik na naman ng katangahan to. Buti na lang mahal ko to' -Jayson.

'Ang eng eng naman netong si Mura! Pakilala ko kaya sya kay Mahal para malinawan sya noh? Wahihihi....' -Cherry

Ewan ko sa inyo =__=

Anyway, so ayun na nga.

Kumain sila ng sandwich (under the tree) tapos kwentuhan lang sila.

"Ayy!" gitlang sabi ni Cherry nung humiga si Jayson sa lap nya.

Napatawa ng mahina si Jayson tapos nilaro laro nya yung kamay ni Cherry.

"Mura...." mahinang tawag ni Cherry sakanya.

"Hmmm..." sagot ni Jayson sabay pinag cross fingers ang kamay nilang dalawa.

"Kelan natin balak sabihin sa kanila na tayo na?" tanong ni Cherry kay Jayson sabay iwas ng tingin dahil kinikilig sya at the same time, nagu-guilty sya.

Sandaling napatahimik si Jayson pero naalala din nya ang balak nya.

"Sasabihin natin sa kanila soon, wag ka mag alala. Hanap lang tayo ng magandang tyempo" nakangiting sabi ni Jayson tapos hinalikan yung kamay ni Cherry.

Tumango lang si Cherry tapos kumain ulit sya ng tinapay.

"Mahal..." mahinang tawag naman ni Jayson sa kanya kaya napatungin si Cherry.

My Angel DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon