Chapter 34: Is 'it' really happened?

5.4K 129 15
                                    

<<Matt's POV>>

"Ugh....."

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may tumayo sa tabi ko.

Sheez.. Bakit ansakit ng kaliwang pisngi ko?

Iminulat ko ang mata ko kahit na antok na antok pa ako

Buti na lang hindi masakit sa ulo yung liquor na ininom namin!

Ugh.. It's already 6:07 am.

Pag tayo ko ay nakita kong naka boxer short lang ako tapos yung mga damit ko nakakalat lang sa sahig.

P*cha! Bakit naka hubad ako?!

Iginala ko ang paningin ko at sinubukan kong maghanap ng bagay nang malaman ko kung kaninong room ako naki tulog.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa side table yung cellphone ni Kaidee.

Shet! Sa room nya ako nakitulog?!

Napaupo ako sa kama tapos pag upo ko ay naramdaman kong basa yung natiikan ng kamay ko.

Tinanggal ko ang kamay ko sa kama at nakita ko doon a-ang d-dugo.

"D-dugo?" biglang bulong ko.

M-may nangyari ba?

Di naman marami yung dugo. Parang naihi lang pero dugo pa din!

Shet! Ano yan?!!!!

Paulit ulit akong napamura sa isipan ko hanggang sa makarinig ako ng mahinang pagduwal na nasa banyo.

Pasimpleng sumilip ako doon at nakita kong nakaharap si Kaidee sa lababo basta di ko makita yung ginagawa nya kasi nakatalikod sya saakin.

Naka tapis ng tuwalya si Kaidee pero may suot syang sando and I didn't know if she has a short or underwear inside it.

M-may baby na nabuo?

Bumalik na lang ako sa higaan at umupong nakatulala doon, pilit na inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.

Napasapo ako ng noo sa inis.

Siopao! Wala akong maalala!

Lasing kami kagabi kaya di ko alam kung may nangyari ba!

Maya maya ay lumabas si Kaidee ng CR tapos tiningnan nya lang ako at lumabas na ng room.

Pinulot ko ang mga damit ko na nasa sahig at di ko muna yon sinuot.

Napangiwi ako sa sakit ng kaliwang pisngi ko.

What happened?

Maya maya ay dumating na si Kaidee na may hawak na blue na ewan tapos naka poker face pa din sya.

"A-anong nangyari?" tanong ko.

Tinaasan lang nya ako ng isang kilay na para bang sinasabi na 'di-mo-alam?'

Umiling ako.

Nag roll eyes lang sya sabay sabing "Lumabas ka na" tapos pagkasabi nya nun, pumasok na sya sa CR.

Lumabas ako ng naka boxer short lang tapos paglabas ko nakita kong papalabas yung kambal sa room nila.

Lumaki ang mata nila then nginitian nila ako ng makahulugan.

"Punta ka na mamaya sa dining room netong resort ha? Kakain na tayo doon ng almusaaaaal~ *O*" sabi ni Cherry.

My Angel DemonWhere stories live. Discover now