Chapter 42: Venus Thereese Midfield (part 2)

4.3K 113 4
                                    

<<Kaidee's POV>>

"Uy Kaidee, ano ahm.." tapos nagkamot pa sya ng batok nya " Aalis lang ako ha? Ikaw na muna bahala kay Venus, pinapatawag kasi ako ni Ate dun eh" tapos ngumiti pa sya ng alanganin.

"Sinong Ate?" tanong ko without looking at him. Naiilang kasi ako eh >//> Atsaka galit ako sa kanya, tae sya -__-

"Yung mommy nya, yun yung nagmamanage nung bar ko" sabi nya. Bar nya?

"Bar mo?" taas kilay kong tanong.

"Aww paktay! Nadulas ako!" bulong nya na dinig ko naman -___- "O-Oo eh. Hehehe..."

"Bahala ka" yun na lang nasabi ko. Kainis!

"S-sige aalis na muna ako.." tapos nilapitan nya ako at hinalikan ako sa noo pati si Venus then lumabas na sya ng gate.

Nung narinig kong umalis na yung motor nya ay tumayo ako at sinarado ko yung gate.

Umupo ulit ako sa katabing upuan ni Venus na tahimik lang na nagkukulay dito sa garden. Sinilip ko yung kinukulayan na at nagulat ako.

"Kelan pa naging pink si Squidward, si Mr. Crabs, si Plankton at si Spongebob?" nagtatakang tanong ko. Pano lahat ginawa nyang pink. Pati yung mga bubbles na background color pink =__=

"Ahmmm.." tapos kunwaring nag-iisip sya "5 secs. ago? Duh.." at imirapan pa nya ako tapos nag color ulit.

Tss..

Ewan ko kung matutuwa ba ako dahil hindi pasaway ang inaalagaan ko o maiinis ako kasi di ko mailabas kasungitan ko sa batang planeta na to =__=

Nanahimik na lang ako tapos pumasok ako saglit sa loob ng bahay para kunin yung books ko. Sa tuesday at wednesday kasi 2nd periodical test na namin tapos sa thursday, checking na lang tapos sa friday kokompletuhin yung requirements sa lahat ng teachers.

Hassle tong week na to =___=

"Do you love my Tito Handsome?" tanong bigla ni Venus na syang ikinagulat ko. Anu ba yan! Iniiwasan ko ngang maalala yang love love ek-ek na yan eh >//>

"B-bakit?" balik na tanong ko.

"Nothing. Just answer na lang" tapos nagflip sya ng hair at tumingin saakin. Syempre, nakipagtitigan muna ako sa kanya. Parang ayaw ko sagutin pero naghihintay kasi sya eh.

I was about to answer her question nang bumukas yung gate namin tapos pumasok si Jayson at Cherry na may kasamang bata na may dalang barbie doll.

"Kaideeeeeeee~~~" tawag sakin ni Cherry habang karga karga yung bata. Tiningnan sya nung bata tapos tumingin yung bata saakin.

"Deeeee!!!" tili nung bata habang nakapikit at nakahawak sa magkabilang pisngi nya. HAHA! Ang cute nung bata!

Tumango ako kay Cherry tapos tinanguan ko ito habang nakangiti ako ng bahagya "Yo. Anak nyo?" tanong ko.

Biglang namula si Cherry sa sinabi ko.

"Anla! Hindi ah! Pamangkin to ni Mura--este Jayson" sabi ni Cherry tapos umiwas pa ng tingin.

"K." sagot ko "Kayong dalawa, wag nyo na itago relasyon nyo. Naghihinala na kaming lahat, alam nyo ba yun?" panenermon ko sa kanila nang makalapit sila saamin.

"Oo na sorry na. Sasabihin naman namin sa inyo eh *pout*" tapos umupo sa tabi ko si Cherry at si Jayson naman ibinaba yung baby bag sa may gilid ng pintuan.

"Teka, sino yang batang yan Kaidee? Anak nyo?" nakangising tanong ni Jayson saakin kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Loko. Pamangkin to ni Door Matt" tapos binato ko sya ng crayon na malapit saakin.

My Angel DemonWhere stories live. Discover now