Chapter 41: Venus Thereese Midfield (part 1)

4.5K 119 13
                                    

<<Kaidee's POV>>

SmS From: Door Matt

Kaila, meet us dito sa *pangalan ng café* ASAP.

Kaila? Us? Sino kasama nya? Atsaka bakit nagmamadali?

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang mabasa ko ang text nya. Bakit ganon? Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari? Napabuga na lang ako ng hangin atsaka ako tumayo sa air bed dito sa bahay. Dali-dali akong nagbihis ng jeans at plain t-shirt tapos sumakay ako sa Fx.

Di ko maiwasang kabahan. He called me Kaila, and not Kaidee. Ewan. Ang weird noh? Or baka paranoid lang ako sobra. *sigh*

Dahil sa may kalapitan lang naman ang lugar na sinabi ni Matt, mabilis lang akong nakarating. Bumaba ako sa tabing shop nitong café para makapag relax ako ng konti then habang naglalakad ako papasok ng café, nakita ko sa glass window si Matt at Olga na masayang nag-uusap at nagtatawanan habang magkahawak ang kamay.

Feeling ko sinipa't sinuntok ng kung sino ang dibdib ko sa nakikita ko, ang sakit sa parteng dibdib ko eh. I gather all my strength para maglakad papasok na para bang wala akong nararamdaman.

Nang mapansin ni Matt na naglalakad ako papalapit sa kanila, bigla syang sumimangot at naging seryoso, na nagpadagdag pa sa kaba't sakit na nararamdaman ko. Nakapoker face akong umupo sa tapat na upuan nila.

"Bakit?" direktang tanong ko sa kanilang dalawa, nagkatinginan sila.

"Diretsuhin mo na ko, marami akong ginagawa" pagsisinungaling ko.

"I think we should end our nonsense marriage and let each other go. Hindi mo naman ako mahal diba? Hindi din naman kita mahal so ano pang sense para magsama tayo diba?" sabi ni Matt habang nakatingin sa mata ko.

'No! Mali ka. Mahal kita! Ayoko lang sabihin!' - gusto ko sabihin sa kanya pero parang kinain ng aso ang dila ko.

"And....You love her? And she love you?" tanong ko kay Matt tapos tiningnan ko si Olga na nakatingin lang din sakin. Tumango si Matt. Katahimikan ang namagtan saamin bago ako nakasagot.

"Edi congrats" simpleng sabi ko habang kinakapos na ko ng hininga kakapigil sa luha ko.

Ngumiti saakin si Olga't Matt tapos hinawakan ni Matt yung kamay ko "Thank you Kaila. Thank you for understanding me, us" sabi nya tapos inakbayan si Olga habang nakangiti.

Tumingin si Olga sa watch nya "Babe err.. I think we should go na. My OB is waiting na eh" sabi ni Olga. OB?

"Buntis ka?" tanong ko kay Olga..

"Yes! 7 weeks na" masayang sabi nya.

"Ganun ba? U-umalis na kayo. Baka maghintay na yun. Sige na" pagtataboy ko sa kanila tapos nanligid bigla ang luha sa mata ko.

"Alright! Bye Kaila. C'mon babe dahan dahan lang okay? Nakaheels ka pa kasi eh!" pinapanood ko lang silang umalis tapos bigla na lang tumulo ang luha sa mata ko at napahagulgol ako ng iyak.

My Angel DemonWhere stories live. Discover now