Chapter 52

26K 604 59
                                    

Jack's POV

Kanina pa nakaalis si Trent pero parang nakalutang pa rin ako. 

'Yung sayang nararamdaman ko ay umaapaw sa puso ko. Pero may kambal na walang kapantay na kalungkutan ang balitang sinabi niya. Ngayon, napatunayan sa akin na wala na ang nag-iisang babaeng minahal ko.

Napakasakit sa akin na wala ako sa tabi ni Monina noon. Wala ako habang dinadala niya ang anak namin. Wala ako nang naglilihi na siya. Wala ako kapag kailangan niya ng hahagod sa likod niya kapag nagsusuka siya. Wala ako para samahan siya sa mga check-ups niya. Wala ako para kausapin ang baby namin sa sinapupunan niya. Hindi ko nahawakan ang kamay niya habang nanganganak siya. Wala ako sa tabi niya...

Hindi ko siya nabigyan ng suportang kailangan niya... at napakasakit!

Ang anak ko... lumaki ang anak ko na wala ako sa tabi niya. Hindi ko narinig ang unang iyak niya, hindi ko siya nakarga nang baby pa siya. Hindi ko alam kung ano ang unang word na nasabi niya. Hindi ko alam kung ano ang mga gusto niya, kung ano ang mga bawal sa kanya, kung ano'ng makapagpapasaya sa kanya...

Naninikip na ang puso ko sa sobrang sakit. Parang wala na akong nagawang tama sa buong buhay ko. I failed as a son, I failed as a brother, I failed as a lover, I failed as a father... I'm a failure.

Ito na ba ang balik sa akin ng mga lahat ng nagawa kong kasamaan. Life is a btch!

"Jack, hijo" nag-aalalang sabi ni Mrs. Flores. Agad na nilapitan niya ako.

Sadlak ako sa sahig at hilam na hilam na ako sa luha ko. 

"Akala ko magkakaayos na kayong magkapatid. Ano ba ang nangyari?" nag-aalalang tanong ng ginang

Yumakap ako sa kanya. Mula nang masira ang pamilya ko ay siya na lamang ang tanging taong pinagkatiwalaan ko. Siya na lamang ang tanging taong nagmalasakit sa akin. Siya ang tagalabas ko ng presinto kapag nadadampot ako ng mga pulis. Siya din ang tagagamot ng mga sugat at pasa ko kapag napapaaway ako. Siya na ang tumayong ina sa akin mula nang masira ang pamilya ko.

Lahat ng saloobin ko ay sinasabi ko sa kanya. Halos lahat ng desisyon ko ay siya ang gumagabay sa akin. Isa sa mga payo niya ang hindi ko sinunod, at ngayon ay pinagsisisihan ko iyon. Sana ay sinunod ko siya na ayusin ang relasyon namin ni Trent. Sa ginawa ni Trent ngayon, lalo lamang nabaon ang kutsilyo sa puso ko. Sa kabila ng pagsira ko sa buhay ng kapatid ko, nagawa niya pa ring patawarin ako at lumapit sa akin. Linapitan niya ako para bigyan ng pagkakataon na itama ang lahat ng mali ko. Lalo lamang akong na-guilty. Ako ang Kuya pero mas pinagana ko pa ang kakitiran ng utak ko. Hinayaan ako na kainin ako ng galit. Hiyang-hiya ako sa sarili ko. 

Umiyak ako kay Mrs. Flores. Hinayaan ko na makita niyang muli kung gaano ako kahina. Niyakap niya ako, naramdaman ko ang yakap ng isang ina na kailan man ay hindi ko naramdaman sa tunay kong ina. Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat, pati ang mga kasalanang nagawa ko. 

Hindi na ako nagtaka nang malakas na pinalo niya ang ulo ko. 

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now