Chapter 21 (unedited)

31K 529 30
                                    

Trent's POV

"Mommy, ready na po ba ang dinner?" malambing na yumakap pa ako kay Mom, trying to divert her attention.

"Hinahanda na nila Manang Edna, tatawagin tayo kapag handa na" tugon niya nang hindi lumilingon sa akin. Mataim na nakatingin lamang siya kay Alisson.

Alam ko naman na masyadong biglaan ang pagpapakilala ko kay Alisson at lalo na ang pagsabi ko na mahal ko siya. Nabatid ko na na hindi iyon magugustuhan ni mommy at hindi niya matatanggap agad dahil kay kuya.

Lumapit ako kay Mommy at yumakap sa kanya. "Ikaw ba ang nagluto, mommy? Miss ko na kasi ang luto mo" paglalambing ko sa kanya.

Sa wakas ay humarap na siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "I want to talk to you later..."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Iba kasi 'yung paraan ng pagtingin ni Mom sa akin, parang terror na principal.

"...kapag nandito na ang kuya mo" dugtong niya pa. Biglang naghurumentado ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang tumango. Lumayo si Mommy sa akin at pumasok na sa kusina. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya matanaw.

"Trent" mahinang tawag sa akin ni Alisson. Halata sa boses niya na natatakot siya.

I drew a deep breath before facing her. May ngiti na sa mga labi ko nang humarap ako sa kanila ni Sarah. Lumapit ako sa kanila at niyuko si Sarah na nakayakap sa bewang ng mommy niya. I extend my arms towards Sarah. Ngumiti naman ang bata at inabot ang mga braso ko, kinarga ko siya at inakbayan si Alisson.

"I'll show you my room" nilangkapan ko ng excitement ang boses ko para mawala ang tensyong nararamdaman ni Alisson.

"Mommy, you'll never leave my side again?" tanong ni Sarah habang papanhik kami ng hagdan.

"Ahmmm" hindi malaman ni Alisson ang isasagot. Nanghihingi ng saklolong tumingin lamang ito sa akin.

"Princess?" tawag ko sa pansin ng bata.

"Yes?" kunot-noong tanong niya

"Remember my promise?" nakangiting tanong ko

Nakangiting tumango siya. Si Alisson naman ay mukhang takang-taka.

Inilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Sarah para bumulong. "I'll be your dad"

Halata sa mukha nito ang labis na kasiyahan. Yumakap pa ito sa leeg ko.

"Mom! I'm so...." I covered her mouth

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now