Chapter 19

29.6K 492 23
                                    

Alisson's POV

Nang makaalis sila Trent at Nicolette ay hindi na rin ako nakapagtrabaho ng maayos kaya naipasya ko na umuwi na lamang ng maaga. Nang lumabas ako ng opisina ay kakaibang tingin ang ibinigay sa akin ni Krisha, tila ba sinusuri niya ako.

SInugurado ko na maayos na at presentable ang itsura ko bago ako lumabas ng opisina. Itinakip ko na lamang ang buhok ko sa marka na iniwan ni Trent sa leeg ko. Nagsuot na din ako ng coat para hindi halata ang gusot sa damit ko.

Dumaan na muna ako sa grocery para bumili ng mga kakailanganin ko sa lulutuing dinner. Chicken curry na lamang ang lulutuin ko dahil isa iyon sa mga paborito ni Trent. Nang makarating ako sa bahay ay naligo na muna ako at umidlip dahil parang antok na antok ako.

Nang magising ako ay alas Tres pa lamang ng hapon kaya naisip ko na mag-hot choco muna at tumambay sa terrace. Ito ang paborito kong lugar sa bahay ni Trent. 

Naisip ko si Nicolette. Ni hindi ko siya matignan ng diretso sa mga mata. Nahihiya ako sa kanya. Pero may kasalanan ba ako? Hindi ko naman alam na si Trent pala ang tinutukoy niyang mahal niya. At kahit pa malaman ko na si Trent iyon, hindi ko kayang mag-let go para sa kanya. Ngayong nararamdaman ko ulit ang pagmamahal ni Trent, hindi ko alam kung kakayanin ko pa na mawala muli iyon. Isa pa, sinabi ko na noon sa sarili ko na magiging makasarili na ako sa pagkakataong ito, hindi ko na pagkakaitan ang sarili ko para sa iba. At higit sa lahat, hindi ko na sasaktan pa si Trent. 

Nagmamahal din si Nicolette, sa tingin ko ay maiintindihan naman niya ako. Ang kaso lamang ay iisang lalaki ang minamahal naming dalawa.

Sa tingin ko ay ang pagpapaliwanag kay Nicolette angt pinakamagandang gawin sa ngayon. 

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Nicolette. Alam ko naman na para kong bubudburan ng asin ang sugat niya sa gagawin ko pero gusto ko na maging malinaw ang mga bagay sa pagitan namin. Isang mabuting kaibigan si Nicolette at ayoko rin na masaktan siya. But between Trent and her, I'll always choose Trent. 

Isang ring pa lamang ay rejected na agad ang tawag ko. Hindi ko na sinubukan pa na tawagan muli siya. Sa palagay ko ay iiwasan ko nalamang siya.

Tumitig na lamang ako sa kawalan. Ninanamnam ko ang sarap sa pakiramdam ng pagmamahal ni Trent. Bawat 'I love you' niya ay parang musika sa pandinig ko. Ang bawat paglalambing niya ay naghahatid ng kakaibang kaligayan sa pagkatao ko. Nang magkahiwalay kami ay parang pangarap na lamang na maramdaman ko muli ang mga ganitong damdamin. Mahal nga yata talaga ako ng Diyos, dahil ang pangarap ko ay ipinagkaloob niyang muli. 

Hindi ko naiwasan na mapaiyak sa labis na kaligayahan. Ang mahalin ka ng taong mahal mo ay sobrang saya. I promise not to mess up this chance. 

Napawi ang ngiti ko nang maalala ko si Sarah. Natatakot ako na baka ikasira muli namin ni Trent kapag nalaman niya ang tungkol kay Sarah. Pero nangako ako sa kanya na magiging tapat na ako sa pagkakataon na ito. 

I drew a deep breath before calling Alex.

(Alisson?) he answered my call

"Hi, Lex. How's Sarah?" I ask right away. 

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now