1| Nothing's Fine

22.5K 318 3
                                    

Makalipas ang ilang oras, hindi na bumalik pa si Trent

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Makalipas ang ilang oras, hindi na bumalik pa si Trent. Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan si Misha, ang bestfriend ko.

"Alisson, kanina pa kita tinatawagan, nasaan ka na ba?!" bungad n'ya matapos tanggapin ang tawag ko.

Napaiyak na lang ako. "Misha, can you bring me a dress?" at ibinigay ko sa kanya ang address ng hotel pati na din ang room number ng kinaroroonan ko.

Nanghihinang napauo na lang ako at niyakap ang sarili. Hindi ko na alam kung ano pa ba ang maaari kong gawin para maayos ang lahat.

Walang araw na nagdaan na hindi ko pinagsisihan ang nagawa ko kay Trent. Kaya kahit na napakasakit ng mga binitiwan n'yang salita at mga insulto, hindi ko makuhang magalit sa kanya. Ayaw ko na sumuko sa kanya.

Gusto kong paniwalain ang sarili ko na tadhana ang nagdala sa amin pabalik sa mundo ng isa't isa. Pagod na akong sumubok mabuhay na wala s'ya. Hindi ko kayang maging masaya na wala s'ya. Dahil lahat sa akin ay binago na n'ya. Lahat sa akin ay nakadepende na sa kanya.

Minsan ko s'yang minahal, ngunit ang buong buhay at pagkatao ko ay nabago ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko na kayang maging masaya nang wala s'ya. Limang taon ko 'yong sinubukan, pero walang nangyari. Mahal ko pa din s'ya hanggang ngayon. Mahal na mahal.

"Are you alright?" nag-aalalang tanong n'ya.

Umiling ako kahit hindi naman n'ya nakikita. "No! No, Misha. I'm not okay," at humagulgol na ako. Pakiramdam ko ay may mahigpit na pumipisil ng puso ko.

Tinapos ko na ang tawag sa matalik kong kaibigan at initsa na lang kung saan ang telepono ko. Mahigpit na yumakap ako sa mga tuhod ko at ibunuhos ang lahat ng emosyon ko.

Pakiramdam ko ay nangungulila ako sa pagmamahal na limang taon ko nang kinasasabikan.

"Bakit ba nangyari sa atin 'to, Trent?" kausap ko sa kawalan. Naghahangad na sana ay dalhin ng hangin ang katanungan ko. "Mahal na mahal kita. Please, pakinggan mo naman ako."

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na umiyak. Ang alam ko lang ay hindi naman iyon nakagaan sa nararamdaman ko, kahit na kaonti. Kahit yata ilang litro ang iluha ko, hindi gagaan ang pakiramdam ko dahil hindi s'ya bumabalik sa akin.

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sa akin," bulong ko sa aking sarili, bilang pagbibigay pag-asa at lakas ng loob.

Minsan na akong minahal ni Trent, kaya maaaring mahalin n'ya akong muli. Kung pagiging makasarili man ito, nais ko na munang maging makasarili. Nais ko na pag-bigyan na muna ang sarili ko na maging maligaya.

Ilang sandali ko pang nilunod ang sarili ko sa kamiserablehan. Napatid lamang ang nararamdaman kong wala para sa aking sarili nang may kumatok sa pinto. Pinahid ko ang mga luha ko sa magkabilang pisngi at kinuha ko ang kumot para ibalot sa aking sarili.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now