Chapter 27

24.3K 423 22
                                    

Alisson's POV

"Bes!" sinalubong ako ni Misha sa main door ng bahay nila.

"I missed you Mish" mahigpit na nagyakap pa kaming dalawa.

Hinila na niya ako paupo sa sofa nang magbitiw kami sa mahigpit na yakap.

"Bruha ka! Akala ko naman kung saan ka magso-soul searching, magpapakatanga ka lang pala kay Trent!" inis na sabi niya at bumusangot ang mukha. Para talagang bata kung minsan si Misha.

Agad akong nakaramdam ng lungkot nang marinig ang pangalan ni Trent.

"May napala ka naman ba?" hamon na tanong sa akin ni Misha

Malungkot na napangiti ako. "Do you wanna hear a story?"

Tinaasan niya ako kilay. Humalukipkip pa siya. "Kung istorya niyo lamang din ni Trent, 'wag na lang, gasgas na sa tenga ko 'yan" masungit na sabi niya at inirapan pa ako.

"What did you know about our story?" hamon ko sa kanya

Tumingin siya sa akin ng naghahamon. "You are madly in love with Trent, then a man named Jack entered the picture together with your sister. You left Trent for the sake of your sister and you live abroad until you have Sarah in your life. You met me and my friend Alex at San Francisco and we started our business together. Your life is going well until you bumped into Trent again. Then you turned your back on your every success and ruined everything for him. May nakalimutan ba ako?" malamig na tanong niya.

Alam ko na  galit si Misha sa ginawa kong pagtalikod sa kumpanya, lalo na kay Sarah.

"Do you wanna hear the story behind that story?" tanong ko ulit sa kanya

Natigilan siya sa tono ng pananalita ko. Umayos siya ng upo at tumingin ng diretso sa akin. "You're weird, Alisson. You're giving me creeps" seryosong sabi niya.

"I'll tell you everything, Misha. Just promise me that you'll try to understand me" pakiusap ko sa kanya. 

"Kahit naman parang wala ka na talaga sa hulog, palagi pa rin naman kitang iniintindi. You're my only family aside from my husband, Alisson" seryosong sabi ni Misha. Ginagap niya ang kamay ko.

Tumulo na ang luha ko. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Ano ang totoong istorya, Alisson?" hindi na nakatiis na tanong niya. 

Matagal nang gustong malaman ni Misha ang kwento pero hindi ko magawang buksan sa kanya ang nakaraan noon. Pero ngayon ay sa tingin ko ay handa na ako. Handa na akong yakapin ang ngayon at tuluyan nang limutin ang nakaraan.

+

(FLASHBACK)

Devoted Hearts (EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon