Chapter 38

27.1K 485 34
                                    

Dedicated sa kanya dahil nami-miss ko na ang mga comments niyang nakaka-inspire :)

________________

Alisson's POV

Nakangiting bumangon ako sa kama at agad na tinungo ang balcony. May kadiliman pa sa labas at naunuot ang lamig ng hangin sa aking balat. Napawi ang lamig na nararamdaman ko nang may mga bisig na pumulupot sa akin.

"It's still so early. It's only three in the morning" paos pa na sabi ni Trent sa akin. 

May dala pa siyang compforter mula sa kama na ibinalot niya sa amin. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa hubad niyang katawan na nakadikit sa likod kong natatakpan lamang ng manipis na pantulog.

"Nagising lang ako. Iintayin ko nalang na mag-sun rise kasi baka kapag natulog ulit ako, hindi ko na maabutan" nakangiting sabi ko habang nakatanaw pa din sa malawak na karagatan. 

"I'll just get us some hot chocolate" humalik pa siya sa pisngi ko bago umalis at ibinalot sa akin ang comforter. 

We're here in their beach resort in Pangasinan, ang El Paraíso de los Caballeros. Kailangan kasing gumawa ng advertisement para dito at ang kompanya namin ang kinontrata ni Trent. Si Misha ang naatasan na mangasiwa ng deal. I handed her and Alex the company. Nang malaman kasi ni Trent na pera ni Jack ang ginamit ko na pampuhunan doon ay sinabi niya na ipaubaya ko na daw ang kompanya kay Misha. Hindi na ako tumutol sa kagustuhan niya kahit na para kay Sarah naman ang Dreamers' at may karapatan ang anak ko sa pera ni Jack. 

Kasama din namin dito sa resort si Troy at sa makalawa ay susunod si Charmaine na kasama ang mga kaibigan niya noong college. Naging malapit na sa akin si Charmaine dahil madalas ko siyang puntahan. Nais ko kasing pagaanin ang loob niya. Alam ko na nasasaktan at nalulungkot siya, at sa mga ginagawa ni Troy ay hindi na nakakapagtaka iyon. Hindi ko ding magawang tanungin siya dahil ayokong maging insensitive. 

Nang bumalik si Trent sa aming silid ay pinatong niya ang dalawang tasa ng umuusok na tsokolate s amesa at hinila ako papunta sa wooden lounger. Naupo ako sa pagitan ng mga hita niya at nasa likod ko siya. Yakap niya ako at muling ibinalot niya ang comforter sa kanya at sa akin. Nakasuot na din siya ng t-shirt.

"You're really an early bird" nakangiting sabi niya at inabot sa akin ang isang tasa.

Inilapat ko ang mga kamay ko doon. Ang sarap sa pakiramdam ng binibigay na init ng tasa sa mga kamay ko.

"Palagi na nga akong tinatanghali ng gising lately. Palagi mo na lamang kasi akong pinupuyat" natatawang sagot ko sa kanya.

Humigpit ang yakap niya sa bewang ko. "Can't help it" he nuzzled my neck

"Trent, stop it! Baka may makakita sa atin dito" pigil ko sa kanya habang kaya ko pa. Nagwawala na naman kasi ang sistema ko sa ginagawa niya!

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now