Chapter 28

23.2K 455 46
                                    

WARNING: CONTINUATION ITO NG FLASHBACK NI ALISSON! 

Wag po malilito... flashback ito

_______________________

Alisson's POV

"Hi Trent" nakangiting bati ni Ate sa napagbuksan niya ng pinto. 

"Good morning, Mon. Si Nic?" I can tell that Trent is smiling while talking to my sister. I knew him so well.

"She's in the kitchen. Ang aga naman ng dalaw mo" natatawang sabi ni Ate.

"Ihahatid ko kasi siya sa trabaho" sagot ni Trent.

Nang makarating ako sa sala ay papasok na din si Trent ng bahay. Nakaabistre ang braso ni Ate sa kaliwang braso ni Trent. Trent seem not to mind though.

"Here comes your princess" bumitiw na si Ate kay Trent

"She's my queen" natatawang sabi ni Trent. Lumapit siya sa akin at humalik sa labi ko. "Good morning, my loves." malambing na sabi niya. 

Nang tignan ko ang gawi ni Ate ay wala na siya doon. Malamang na nasa kusina na.

"Shall we go?" tanong ni Trent

Ibinalik ko ang tingin ko kay Trent. Ngumiti ako sa kanya. "I'll get my bag" Hinalikan ko na muna siya bago ako pumanik sa kwarto ko para kuhain ang bag ko.

Nang pababa na ako ay nakita ko si Trent na nakaupo sa sofa at si Ate ay nakaupo sa tapat niya. Nagkakape silang dalawa.

"Let's ask Alisson on that matter" naabutan kong sabi ni Trent

Tuluyan na akong bumaba. "I heard my name" singit ko sa kanila. 

Agad naman inabot sa akin ni Trent ang isang kamay niya na para bang sinasabi na hawakan ko iyon. He really loves showing that I have a power over him, and I love that. 

Nang magkadaop ang aming mga palad ay hinila ako ni Trent kaya napaupo ako sa tabi niya.

"Monina is asking me to tour her around" sabi ni Trent sa akin at humalik sa gilid ng noo ko.

"May pasok ka kasi bukas kaya hindi mo ako masasamahan. At sabi ni Trent ay day off naman niya bukas kaya magpapasama sana ako sa kanya" agad na sabi ni Ate. 

"Hindi ba pwedeng sa Sabado na lamang tayo umalis para masamahan kita?" tanong ko sa kanya.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now