Chapter 45

27.6K 606 53
                                    

Alisson at the media :)

_____________________

Alisson's POV

"Ali, kumain ka na" sabi ni Misha sa akin. Nandito kami ngayon sa isang hotel malapit sa Dreamers. 

Si Sarah ay hiniram na muna ni Mrs. Villasis. 

"Wala pa akong gana" matamlay na sabi ko.

"Baka magutom ang baby mo" pananakot niya sa akin.

Hinaplos ko ang tyan ko na medyo maumbok na. "Hindi pa naman" 

Nagbuntong-hininga siya. Kumain na si Misha at nangingiwi ako habang tinitignan siya. 

"Alisson" bati sa akin ni Maine at humalik sa pisngi ko.

"Maine" masiglang sabi ko at tumayo para yakapin siya ng mahigpit.

Napatingin ako sa lalaking nasa likod niya.

Biglang umaliwalas ang paligid at tumunganga ako sa kanya,

Nakita ko na naiirita si Troy sa paninitig ko sa kanya. Parang lalo naman akong natuwa.

Lumapit ako sa harap ni Troy na ikinakunot ng noo niya.

"Let's eat, Troy" yaya ko sa kanya habang natutulala sa mga kilay niya

"Huh?" lalong nalukot ang mukha niya

Nangilid ang mga luha ko. "gusto ko lang namang kumain kasama kayo. Wala kasi si Trent" hinaluan ko ng pangongonsensya ang tinig ko.

"Ali, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Maine

"Gusto kong pumunta sa bahay niyo" mahinang usal ko at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Hindi ko alam pero gusto kong umiyak.

Agad na niyakap ako ni Maine. "Hush, Ali. Para ka namang naglilihi" natatawang sabi niya

"Pero iyon nga ang gusto ng baby ko" maktol ko

Naramdaman ko na nabigla si Maine. Inilayo niya ako sa kanya at sinipat ang tyan ko.

"OMG" masayang sabi niya at idinikit pa ang tenga sa tyan ko. "Ninang ako ha!"

"If and only if" sabi ko na ikinatingin niya sa akin "Uuwi tayo sa bahay niyo at kakain doon. Nagugutom na ang baby ko" I pouted

Devoted Hearts (EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon