Special Chapter for Jack

37.1K 677 46
                                    

Jack at the media :)

_______________

Jack's POV

May matamlay na ngiti sa aking labi habang tinititigan ko ang anak ko sa kanyang pagtulog. Ang bukas ng mukha niya ay kuha sa akin, pero habang tinititigan siya ay nakikita ko si Monina. Ang pwesto ng mga mata niya, ang haba ng pilikmata, ang mga maninipis na labi... lahat ay kay Monina. Ang pagngiti niya at pagkislap ng mga mata niya, nakuha niyang lahat sa ina niya.

Hinaplos ko pang muli ang buhok niya at magaan na hinalikan siya sa noo.

Nagtungo na ako sa silid ko at lumabas sa terasa. Huminga ako ng malalim at hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha habang nararamdaman ko na naman ang paninikip ng dibdib ko.

Sa tuwing tinititigan ko ang anak ko ay may isang parte sa puso ko na sumasakit. She reminded me so much of her mother. 

Kung hindi sana ako naduwag at naging mahina noon, baka masayang pamilya na kami ngayon. Kung hindi sana ako naniwala sa kasinungalingan ni Trixie noon, baka yakap ko ngayon ang tanging babae na minahal ko. Kung hindi ko sana hinusgahan si Monina at nagtiwala ako sa pagmamahal niya, baka madami na kaming anak ngayon. Kung hindi sana ako nagpabulag sa galit ko kay Trent at isinantabi ko ang paghihiganti ko, sana maayos ang lahat.

Hindi sana ako nakulong sa kasal na walang pagmamahal. Hindi sana ako nagtiis ng mahabang panahon. Hindi sana ako nakasakit. At baka hindi nawala si Monina sa akin.

Ang buong pagkatao ko ay puno ng pagsisisi. Pero kahit na ano'ng pagsisi pa ang gawin ko, wala na din namang mangyayari.

Ipinapangako ko na lamang kay Monina na gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Ako ang magiging pinakamabuting ama para sa kanya. Si Sarah na ang lahat-lahat sa akin ngayon.

"Good morning" paos pa ang tinig na sabi ko sa babaeng namulatan ko ng mata.

She smiled sweetly at me. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. "Good morning, my king. Handa na po ang almusal" Monina kissed my lips quickly.

She's about to get out of bed when I pulled her. Napasubsob siya sa dibdib ko at niyakap ko siya.

"Ikaw nalang ang breakfast ko" lambing ko sa kanya at hinalik-halikan na ang leeg niya.

Hinampas niya ako. "Jack, sobrang aga pa! Kumain na muna tayo" she struggled.

I let her go. "I don't want to eat anything but you" I smirked.

Her face turns bright red. Blushing like a virgin. Marahang hinila ko na muli siya kaya napaupo siya sa kama.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Место, где живут истории. Откройте их для себя