5|BDSM

11.8K 185 6
                                    

ALISSON

What is BDSM?

It's the first time that I heard that word, but I have this nagging feeling that if I tell him that I don't know, he'll push me away. I know for a fact, that for me to be able to fit in the world of this new Trent, I have to be someone he wants me to be. Someone that he needs.

I didn't open my mouth. I didn't answer his question. I was too afraid that with a wrong answer, I'll lose all the chance to be with him. And I don't know how to live a life without him. Now that I found him, I want to give my all to get him back.

Hindi ko alam kung paano ko nakaya ang limang taon na wala s'ya. Pero ngayon, pakiramdam ko ay ikababaliw ko kung patuloy pa akong mabubuhay na wala s'ya. Hindi ko kaya. S'ya ang kaligayahan ko. S'ya lang.

He surely had changed, but there's a part of me saying that I can do something to find the old Trent. There's a part of me saying that my Trent is still there, my heart can feel it.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nagtititigan lang kami. Nakatitig s'ya sa mukha ko habang nakangisi, at ako naman ay pilit na hinahanap sa mga mata niya ang pagmamahal. Pero bigo ako. Wala akong nakita ni katiting na pagmamahal sa tingin n'ya.

"Alisson?" untag ni Trent sa pananahimik ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Natatakot ako. Natatakot ako na mawala s'ya. Natatakot ako na ipagtabuyan n'ya ako.

Biglang tumunog ang intercom sa lamesa n'ya. After three beep ay may nagsalita. "Sir, your meeting with Mr. Feliciano will begin in five minutes." Sa tingin ko ay ang secretary n'ya iyon.

Binalik ni Trent ang paningin n'ya sa mukha ko. He tugged my chin. "Alisson, before you make a deal with me, be sure to know what you're getting yourself into," he sweetly said before he turned his back on me.

Hindi ako nakakilos sa kinatatayuan ko hanggang sa lumabas na s'ya ng opisina n'ya.

Umuwi na lang ako pagkagaling ko sa opisina ni Trent. I was surprised to see Misha playing with Sara at the living room.

"Mommy!" Sarah enthusiastically called me then run to me to give me her warm hug.

"Hi, baby," I smiled at her then I kissed her chubby cheek.

"Ninang, brought me new coloring books and my favorite cookies," she beamed at me.

I lifted Sara up, then I walked towards Misha, my best friend.

"Hi," nahihiyang sabi ko. Hindi pa kami nagkakausap mula nang mag-away kami sa hotel.

She raised a brow on me. "Hi your face," mataray na sabi n'ya.

"I'm sorry na," malungkot na sabi ko.

"Hay naku, 'wag na! Tama na tayo sa topic na 'yan. Alam ko naman na kahit na ano pa ang sabihin ko, wala lang naman sa'yo. Masyado ka nang tanga sa pagmamahal mo na 'yan. Ako lang naman itong si gaga na paulit-ulit ng sinasabi kahit na alam ko naman na pasok sa kanan labas sa kaliwa naman ang ending ng mga pangaral ko. Kaya enough na, Ali, alam ko na na tanga ka masyado. Hindi na ako makikielam sa kagagahan mo," she said in a bored tone then she rolled her eyes, na para bang iritang-irita s'ya.

I chuckled. "I missed you too, Mish," natatawang sagot ko na lang.

She sighed then she stood up and hugged me tight.

"May chika ako sa'yo, sis," natatawang sabi n'ya nang bumitiw kami sa yakap.

"So, kaya ka nandito ay para mag-chika?" kunwaring pataray na sabi ko at hinila na s'ya paupo sa sofa.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now