Chapter 43

26.1K 524 87
                                    

In-advance ko na ang usapan natin :) Just promise na kumpletuhin mo ang simbang gabi,okay?

Dedicated to you, for being a good child of God :*

Also, I want to apologize sa lahat ng naguluhan, nahilo at nalito sa story na ito ;( Hindi ko ginusto na baliwin kayo. I just want to give some thrill and excitement for the chapters to come. But since mukhang nakaka mind-fck na ako, ire-reveal ko na at sasagutin ko na ang mga tanong niyo dito. I just hope na basahin niyo pa din kahit na wala nang aabangang revelation sa mga susunod na chapters :/

______________________

Alisson's POV

Naiiyak na sinapo ko na lamang ang aking sinapupunan nang lumabas si Trent ng silid. 

"Baby, kapit ka lang ha" mahinang hiling ko sa anak ko.

Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nararamdaman ko nang malaman ko na magkakaanak na kami ni Trent. Nagbunga na ang pagmamahalan namin ni Trent. 

"Alam ko naman na kapag nakaalala na ulit si Daddy, babalik siya sa atin" naluluhang sabi ko at humiga na sa kama.

Ayokong ma-stress dahil ayokong may mangyaring masama sa baby namin ni Trent. Baka isumpa na talaga ako ni Trent kapag may masamang nangyari sa bata. At alam ko na hindi ko kakayanin na mawala siya.

Hindi ko pa siya nahahawakan, o nararamdaman man lamang sa sinapupunan ko, pero mahal na mahal ko na agad ang anak ko. 

I just hope na hindi matulad kay Sarah ang baby namin ni Trent. Ayoko na lumaki siya na hindi kumpleto ang pamilya. Ayoko na lumaki siya na naghahanap ng ama. 

"God... sana po gabayan niyo si Trent. Tulungan niyo po siyang makaalala" mahinang panalangin ko.

Ilang saglit na nakatingin lamang ako sa kisame at hinahaplos-haplos ang tummy ko. Pinupuno ko ng happy thoughts ang isip ko. 

Kaya pala madalas akong mahilo at nagiging antukin ako. Nagsusuka din ako at nagiging pihikan sa pagkain. Noong una ay hindi ko naisip na buntis ako at wala akong ideya dahil hindi pa naman ako nakakaranas ng ganito noon.

Hindi ko naman napansin ang mga ganito kay Ate noon nang magbuntis siya kay Sarah. Madalas kasi ay tahimik lamang siya at nakatulala.

Napabuntong-hininga ako. 

Mas masaya siguro kung nandito si Ate ngayon sa tabi ko para alalayan ako. Mas magiging okay siguro kung pwede kong sabihin kay Jack ang katotohanan. Mas magiging okay siguro kung makikilala ni Sarah ang ama niya. Pero ayoko naman na isugal ang anak ko. Kahit na hindi ako ang nagsilang kay Sarah, isang tunay na anak na ang turing ko sa kanya. 

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now