Chapter 51

27.9K 605 50
                                    

Alisson's POV

Sobrang excited na ako! Tatlong araw na lamang at lalabas na ang baby namin. Halos lahat ay inaabangan na din ang paglabas ng baby. Nag-leave na din si Trent sa opisina last week pa. Nandito na din kami sa ospital, ang gusto kasi ni Trent ay wala nang poproblemahin kapag biglang pumutok ang waterbag ko.

"Loves, susunduin ko lang si Sarah" paalam niya sa akin

Tumango na lamang ako. Lumapit siya sa akin at humalik sa pisngi ko. Gusto ko sanang sumama pero ayaw naman ni Trent. Hindi na din ako kumontra dahil para sa baby namin iyon.

Nang makaalis si Trent ay nakaramdam ako ng lungkot. Wala naman kasi akong kasama. Si Misha ay abala sa Dreamers. Si Maine naman ay hindi makita. 

Maging ang mga kaibigan ni Trent ay nagkakagulo din. Si Eric ay parang naging ibang tao. Si Neil ay MIA din at ang hinala ni Trent ay kasama ni Maine. Si Troy naman...

Hindi masabi ni Trent kung dapat ba niyang ipagpasalamat ang nangyari kay Troy. Kasi nilulubog niya ang sarili sa trabaho para lamang makalimutan daw ang nawawalang asawa. Si Troy na nga ang humahawak ng buong negosyo nila ngayon. 

Noong una ay nasabi ko na buti nga sa kanya at karma na niya na natauhan na si Maine. Pero kasi, nakakaawa din si Troy, lalong sumungit.

Naputol ang pag-iisip ko nang may tumawag sa cellphone ko. Kinuha ko iyon at sinagot kahit na unknown number.

"Hello?" pormal na sabi ko

"Alisson Monique Garcia-Villasis" parang nang-uuyam ang tono ng babae sa kabilang linya

Kumunot naman ang noo ko. "Who's this?" 

Tumawa siya. "Hindi pa ba tumatawag sa'yo ang asawa mo?" nang-uuyam na tanong niya

"Why you asked? You'll tell me that he's with you?" iritang tanong ko sa kanya.

Nainis ako lalo nang tumawa muli siya. "No, my dear. I'm a married woman. Nagtataka lamang ako na hindi niya pa sinasabi sa'yo na nawawala ang anak niyo... oh! It should be ampon niyo" binuntutan niya muli iyon ng tawa

Kinabahan naman ako bigla at pakiramdam ko ay namutla pa ako. "Sino ka ba?!"

"Easy, Alisson, baka mapaanak ka ng maaga" she sarcastically said

"Who the hell are you?!" napahigpit na ang hawak ko sa telepono

"Hindi mo ba talaga naaalala ang boses ko?" tumawa muli siya. "Okay, I'll answer your question if you answer mine" she cleared her throat. "Is it true that Monina Garcia is dead?" 

"Trixie?" pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga sa pagbanggit sa pangalan niya.

Devoted Hearts (EDITING!!!)On viuen les histories. Descobreix ara