6| Accident

10.8K 184 2
                                    

TRENT

Three weeks...

Tatlong linggo na mula nang huli kaming mag-usap ni Alisson. Siguro ay naisip na n'ya na hindi n'ya kaya.

Well, wala na akong pakielam sa kanya. At least napamukha ko na sa kanya ang pinakawalan n'ya. Naisampal ko na sa kanya kung gaano kalaki ang nawala sa kanya.

"Sir, you have an important meeting with Mr. Fabregas of FGC," my secretary informed me.

I picked up my coat and snatched my bag. "Thank you. I'll be gone the whole day. Itawag mo na lang sa akin kapag importante."

The meeting went well. I checked my watch and it's just three in the afternoon, masyado pang maaga para mag-bar. I picked up my phone to call Neil.

"Bro, what's our itinerary for tonight?" I asked immediately.

(Nothing in particular, Trent, you decide?) He seem busy with something.

"Yacht?" I asked back. Nakakasawa din kasi na palagi na lang sa bar umiinom.

(Ohhh,) he sounded like moaning (Ahhh...) well, he's really moaning. (Oh... Oh-kay,) then I heard a girl moaned 'that's it baby, harder' in the background. (Call you later, bro,) then he ended the call.

I smirked. Mukhang nakaistorbo ako. Malay ko ba naman na magmimilagro s'ya ng ganitong oras.

Matagal-tagal na din akong hindi nadidiligan. Masyado kasi akong naging busy sa trabaho at oo... sa kakaisip ng gagawin ko kay Alisson. Kaso ay mukhang hindi naman na s'ya magpapakita sa akin. Naisip siguro na walang-wala na talaga s'yang mapapala sa akin kundi sex.

Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa at pumasok na sa sasakyan ko. I'll drive my way to my house first before going to the dock. It's Friday today so I assumed that we'll be back on Sunday afternoon. I need to pack my things.

I'm nearing an intersection when my phone suddenly rang. Wala naman ako masyadong kasabay sa kalsada kaya nag-menor muna ako saka dinukot ang phone ko sa bulsa. Nalaglag ang telepono ko kaya sumulyap muna ako sa harap at nakita ko na wala naman akong kasalubong kaya saglit na tinignan ko muna ang sahig para pulutin ang telepono ko. Huli na nang mag-angat ako ng tingin at makita ko na nasa gitna na pala ako ng intersection at may mabilis na truck nababangga sa akin mula sa kanan!



ALISSON

Napapakagat ako ng labi habang hinihintay ang turn ko. Nakapila ako ngayon sa cashier para bayaran ang bills namin dito sa hospital. Isang linggong na-confine si Sara dahil sa dengue. Bago 'yon ay tatlong araw akong nanatili sa bahay para bantayan s'ya.

Hindi ako makaalis para puntahan si Trent dahil natali ako sa anak ko at sa kompanya. Isang linggo matapos ko siyang makausap ay babalikan ko na sana s'ya para sabihin na pumapayag na ako sa gusto n'ya. Payag na ako dahil may nakapa akong pag-asa na kapag naibigay ko na sa kanya ang sarili ko at may mapatunayan sa kanya ay tanggapin n'ya akong muli. Sa ngayon ay makukuntento na ako sa pagtanggap n'yang muli sa akin. Kapag nakapasok na ako sa buhay n'ya ay alam ko na mamahalin n'ya akong muli. Panghahawakan ko ang kaalaman na minsan na n'ya akong minahal. I'll hold on to the fact that, once upon a time, there's me and Trent, and once upon a time, I became Mrs. Trent Villasis... almost became.

Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kanina ko pa nakakagat ang ibabang labi ko at ang hinlalaki ko kung minsan. Ganito ako kapag kinakabahan. Kinakabahan ako ngunit hindi ko alam kung bakit o para saan. Ligtas naman na ang anak ko.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon