Chapter 14 (part 2)

30.5K 557 36
                                    

This will be a short update since part two lang naman ito at sa mobile ko lang nagawa :)

Babawiin ko din 'yung sinabi ko na wala munang POV ni Trent, para mabigyang linaw ang katauhan ni Trent :)

______________________

Trent's POV

Hindi ko maialis ang tingin ko sa batang magiliw na kinakausap si Mommy habang kumakain ng cookies. Nang una kong masilayan ang kanyang mukha ay nagkaroon na ako ng hinala, at nang marinig ko ang pangalan niya ay nakumpirma ang hinalang nabuo ko. Hindi ako maaring magkamali, kilala ko ang mga matang 'yon, ang ilong, ang hugis mg mukha... hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng hayup niyang ama!

Nagulat ako nang lumapit sa akin si Sarah at inabutan ako ng cookies.

"You want some? You're staring at me and I think you want some cookies and you're just shy to ask" she innocently said.

Inabot ko ang binibigay niya. She looks so innocent, sweet and smart. Nanatili akong nakatitig sa kanya. Parang may pumipiga sa puso ko dahil sa sakit na dinudulot ng inosenteng batang ito.

Siya lang naman ang bunga ng pagtataksil ni Alisson sa akin. Siya lang naman ang bunga ng kahayupan ni Jack!

"Angelo" tawag sa akin ni Dad at hinawakan ako sa balikat. Nang tignan ko siya ay sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya.

Nagtungo kami sa study room at doon ay agad akong nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok iyon.

"Magagalit ang Mommy mo kapag nalaman na umiinom ka ngayon" seryosong sabi ni dad

"That face..." hindi ko na naiwasang mabasag ang tinig.

Huminga ng malalim si Dad at yinakap ako. "I know son" 

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Parang namamanhid na ako.

Nang marinig ko ang mga sinabi ni Alisson sa kausap niya noong isang gabi ay naisip ko na bigyan kami muli ng isang pagkakataon. Sumagi sa isip ko na subukang kalimutan ang galit ko sa kanya. Naisip ko na mahal niya ako dahil nagtitiis siya sa lahat ng kagaguhang ginawa ko sa kanya.

Hindi ko naman gustong gawin sa kanya ang mga bagay na nagawa ko. Ngunit tuwing sumasagi sa isip ko ang nangyari sa nakaraan ay tila ba nagdidilim ang paningin ko. Ilang taon akong nakulong sa sakit na dinulot niya, nila ni Jack.

And life is so fckng ironic! Kung kailan unti-unti ko nang napapatawad si Alisson at tinatanggap ko na na mahal ko pa din siya, saka ko naman makikilala ang bunga ng bangungot ng nakaraan.

Hindi ko na napigilan ang pagdagsa ng emosyon at umiyak na ako sa balikat ni Dad.

Kung may mabuti mang naidulot ang pag-iwan sa akin ni Alisson, ayun ay ang pagiging malapit ko sa aking ama. Hindi ko naisip na matatanggap niya ako at ng pamilya niya with open arms. Kinupkop at inalagaan nila ako. Inaruga ako ni Mommy na parang isang tunay na anak. Tinanggap ako ni Kuya ng maayos at hindi niya ikinagalit na naging kapatid niya ako. I never felt that I don't belong.  Hindi ko naramdaman na anak ako ni Dad sa labas dahil sa init ng pagtanggap nila sa akin sa sa pagmamahal na ipinamalas nila.

Kabligtaran naman ng sa pamilya ng sarili kong ina.

Halos mapatay ako ni Papa nang malaman niya na hindi niya ako anak. Walang magawa si Mama dahil natatakot siya. Binantaan siya na hihiwalayan at iiwan ni Papa kapag nakielam siya. Nanunuod lamang siya habang walang-awa akong binubugbog ng asawa niya. At ang dahilan? Natatakot siyang iwan ni Papa dahil hindi niya kayang mabuhay ng wala. Hindi niya kayang maghirap kaya isinakripisyo niya ako, ako na anak niya.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now