Chapter 42

26.1K 458 129
                                    

ANNOUNCEMENT:

PAPALITAN KO NA ANG TITLE NITO NG "DEVOTED HEARTS" 

Trip ko lang :)

_________________________

Trent's POV

Kulang ang salitang nagulat para ilarawan ang nararamdaman ko nang tumango si Alisson. May parte ng pagkatao ko na natutuwa na anak ko ang unang anak ni Alisson at walang naging bunga ang kahayupan ni Jack sa kanya. Pero ang kalahating parte ko ay nakakaramdam ng pagtataksil. Bakit hindi niya sinabi? Bakit itinago niya sa akin ang tunay na pagkatao ng bata.

Bumalik lamang ang isip ko sa kasalukuyan nang magsalita muli ang doktora.

"Reresetahan ko kayo ng mga vitamins. Healthy naman ang baby at normal ang heartbeat. Magiging maselan lamang ang pagbubuntis niya sa first trimester. Makakaramdam siya ng pagkahilo, pagsusuka at magiging pihikan din siya sa pagkain." paliwanang ng doktora

"Gaano kalaki na po ba ang baby namin?" excited na sagot ko.

Ngayon pa lamang ay gusto ko nang bumili ng mga gamit ng magiging anak ko. Gusto ko nanag ipagsigawan sa buong mundo na magiging daddy na ako. Gusto ko nang tawagan ang mga kaibigan ko para sabihin na ninong sila ng baby ko. 

God! Gusto ko nang umiyak sa sobrang saya!

Hindi ko mapaliwanag kung gaano ako kasaya na may baby na ako at sa pinakamamahal ko pang babae. Wala na talaga akong mahihiling pa! I swear... I'll be the best father in the world!

"Alisson is now eight weeks on the go" she smiled gently on us

Pakiramdam ko ay namanhid ako. Maging si Alisson ay natigilan.

"I'll be going then. I'll check on you in a while" paalam ng doktora at lumabas na ng silid.

"Tang*na lang?" mahinang bulong ko.

"T-Trent" kinakabahang tawag niya sa akin at ginagap niya pa ang kamay ko.

Binawi ko ang kamay ko at lumayo sa kanya. Tumalikod ako sa kanya.

"Wahhh!" galit na sinuntok ko ang pader.

"Trent!" humahagulgol na si Alisson.

Lumabas na lamang ako ng silid dahil baka kung ano pa ang magawa ko na makakasama kay Alisson. Ayoko namang may masamang mangyari sa anak niya.

Nang makapasok ako sa sasakyan ay saka na ako naglabas ng galit. Pinagsusuntok ang manibela at nagsisigaw.

Alam mo 'yung pakiramdam na, nandiyan na sa harap mo. 'Yung pangarap mo abot-kamay mo na... nasa harap mo na tapos biglang babawiin sa'yo? 

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now