Chapter 30

25.6K 406 24
                                    

Due to insisting public demand...hahaha joke lang :D

Enjoy reading guys :*

___________________________

Alisson's POV

"Saan kayo nagpunta?" tanong ni Trent sa akin habang inaayos namin ang mga pinamili ko sa grocery bago ako tumungo sa apartment niya. 

"Sa mall. Bumili lamang si Ate ng mga gamit niya, pati ako binilan na din niya. Bonggang shopping nga ang ginawa namin!" enthusiastic na kwento ko sa kanya

"I'm happy that you feel better now about your sister" nakangiting sabi niya sa akin. 

Kinunutan ko siya ng noo.

Lumapit siya sa akin at iniharap ako sa kanya. Niyakap niya ang mga braso sa bewang ko at hinalikan ako sa noo. "I can feel your animosity towards your sister, Nic" masuyong sabi niya.

Yumakap ako sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya. "Nagseselos kasi ako" nagtatampong sabi ko. I heard him chuckled and hug me tighter. Hindi ako nahihiyang aminin kay Trent kapag nagseselos ako. Hindi naman siya naiinis kapag nagseselos ako at parang tuwang-tuwa pa nga. 

"I know. Laging malaki ang butas ng ilong mo e"  pang-aasar niya sa akin. Kinurot ko naman siya sa braso kaya napa-aray siya.

"Ouch naman!" humiwalay siya sa akin at hinimas ang nasaktang braso. "Ikaw kasi e, nag-boyfriend ka ng gwapo"

"Conceited much?" tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Bakit, hindi ba ako gwapo?" hamon niya sa akin. Ngumiti pa siya ng pagkatamis-tamis sa akin.

"Hmmm..." hinawakan ko pa ang baba ko na tila nag-iisip habang sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Nag-pose pa siya na parang isang model. "Pwede na" pinipigilan ko ang pagtawa ko nang sumimangot siya.

"Ah, ganon?" he raised a brow, I find it so sexy. 

Tumili ako at tumakbo. Hinahabol niya ako para kilitiin. Naabutan niya ako at binuhat pahiga sa sofa.

"Loves, tama na!" sigaw ko habang humahalakhak. Sinusubukan kong pigilan ang mga kamay niya pero hinawakan niya ang mga kamay ko gamit ang isang kamay, inipit naman ng mga binti niya ang mga binti ko. "Trent!" 

"Hindi ako gwapo?" natatawang tanong niya habang tuloy pa din sa pagkiliti sa akin.

"Hindi!" sagot ko sa pagitan ng pagtawa. Alam ko na pulang-pula na ako sa kakatawa at nananakit na ang lalamunan ko.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now