Chapter 11

38K 579 33
                                    

Alisson's POV

Nagising ako na masakit ang buong katawan lalo na ng nasa pagitan ng aking mga hita. Pakiramdam ko ay napakabigat ng katawan ko at gusto ko pang magpahinga ng mas mahaba. Ngunit nais ko din na ipaghanda si Trent ng agahan bago siya pumasok sa opisina. 

*

"Much as I want another round, I think we should stop. I have an important meeting tomorrow." hinihingal na sabi niya at lumayo na sa akin. 

Napaupo naman ako sa sahig nang ilayo niya ang katawan sa akin. Pakiramdam ko ay hinang-hina ako. Nanlalambot na ako at kanina pa gustong matulog ng diwa ko. Masakit na din ang buong katawan ko lalo na ang pagkababae ko. Hindi ko na nabilang kung ilang beses kaming nagniig. 

Akala ko kanina ay titigil na siya nang makatulog ako. Ni hindi ko na nga naintay na matapos siya dahil hindi ko na kinaya ang antok. Naalimpungatan ako dahil pakiramdam ko ay nananakit ang lalamunan ko sa panunuyo nito. Bumangon ako para uminom ng tubig sa kusina at nang bumalik ako sa kwarto ay agad akong sinugod ng halik ni Trent. Napasandal nalang ako sa pader at muli ay inangkin na naman niya ako ng ilang ulit. 

Nang mapahiga ako sa sahig ay agad akong nawalan ng malay at bumigay na sa antok. Marahil ay binuhat na lamang ako ni Trent patungo sa kama.

*

Pilit akong bumangon at tumungo sa banyo para sa mabilisang pagligo. Isinuot ko na lamang ang isa sa mga white t-shirt na nakita ko na maayos na nakatiklop sa rack sa loob ng banyo. Ginamit ko na din ang isa sa mga reserve toothbrush. Mukhang palaging may inaasahang bisita si Trent. May pinong kurot sa puso ko sa isiping iyon.

Isinantabi ko muna ang mga gumugulo sa isip ko at maingat na lumabas ng silid upang walang malikhang ingay. Pinakielaman ko na din ang ref. Pinili kong magluto ng tapa, itlog at sinangag. Alam ko na paborito ni Trent ang tapsilog para sa agahan.

Habang nagpiprito ay napagawi ang tingin ko sa wallclock at nakita ko na alasais pa lamang ng umaga. Nagdadalawang isip tuloy ako kung gigisingin ko na ba si Trent pagkaluto ko o hayaan ko na lamang siyang magising mag-isa. Sa pagkakaalam ko ay bandang alas-tres nang bumangon ako kanina. Kawawa naman si Trent kung papasok siya sa opisina na halos tatlong oras lamang ang tulog. 

Naputol ang pagiisip ko nang matalsikan ako ng mantika. Mabuti na lamang at hindi baboy ang piniprito ko. Tinapos ko na ang pagluluto at hinanda ko na ang mesa. Naghanda na din ako ng kape at bumalik na sa loob ng silid. Naabutan ko si Trent na mahimbing pa din na natutulog habang nakadapa. 

Minabuti ko na na pakielaman ang damitan niya upang ipaghanda siya ng susuotin. Matagal ko nang pangarap ng pagsilbihan muli siya ng ganito. Matapos mamili ay maingat na inilagay ko sa ibabaw ng kama ang mga damit niya. Sandaling tinitigan ko muna siya at nagtatalo pa din ang isip ko kung gigisingin ko ba siya. Sa huli ay napagpasyahan ko na tawagan muna si Misha upang kumustahin si Sarah bago ko gisingin si Trent.

Trent's POV

Nang kapain ko si Alisson sa tabi ko ay wala akong nakapa kaya pilit na inimulat ko ang aking isang mata. Wala akong nakitang Alisson kaya babangon na sana ako nang marinig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Marahil ay nagliligo siya kaya nanatili na lamang ako sa pwesto ko dahil tinatamad pa akong bumangon.

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now