Chapter 35

25.1K 466 26
                                    

Alisson's POV

"Okay ka lang ba, Nic?" tanong ni Ate sa akin. 

Hindi ako makasagot sa kanya. Okay lang ba ako? 

Ilang araw kaming hindi nagkibuan ni Ate matapos ang nangyari noong birthday niya. Madalas na din na hindi ako umuuwi sa bahay para maiwasan si Jack at maging si Trent ay iniiwasan ko na din dahil hindi ko alam kung paano ko pa siya haharapin. Madalas ay nakikitulog ako sa mga katrabaho ko sa opisina at idinadahilan na may mga trabaho kaming kailangan tapusin.

"Okay lang ako" tipid na sabi ko kay Ate at sinikap na ituloy ang pagkain ng agahan.

"Okay na ba kayo ni Jack?" tanong niya kapagkuwan

Nanigas ako sa kinauupuan ko. 

Ginagap ni Ate ang kamay ko sa ibabaw ng mesa, "Gusto ko sanang maging maayos kayo ni Jack, Nicnic" masuyong sabi ni Ate. 

Nang araw na pumasok si Jack sa kwarto ko ay hindi natuloy ang balak niya dahil sa pagkatok ni Ate. Sinabi ni Jack na nagtatalo kami kaya hindi siya nakabalik agad sa sala. Naniwala si Ate at sinabi na 'wag akong maging masyadong biased kay Trent.

"Mahal ko si Jack" matamlay ang ngiting dagdag niya. "Siya na ang gusto kong maging kabiyak. Kaya gusto ko sanang magkasundo kayo. Humingi naman na siya ng tawad sa nagawa niyang pang-aasar kay Trent, 'di ba?" 

Paano ko ba sasabihin kay Ate na kahit isang libong 'sorry' pa ang sabihin ng hayop na demonyong 'yon ay hindi ko na mapapatawad pa? Na hindi ko kayang palagpasin na lamang ang kahayupang nagawa niya. 

Hindi ko masabi kay Ate ang nangyari dahil alam ko na masasaktan siya. Ayokong saktan si Ate. Madami na siyang naranasang hirap para sa akin. Madami na siyang naisakripisyo para sa akin. Pati ang kabataan niya ay isinakripisyo niya para sa akin... maging ang sarili niya. 

Hindi ko maaatim na saktan si Ate. Kahit pa ako na lamang ang magtiis, hindi ko siya sasaktan.

It was just so ironic that she loves that jrk! Sa dami ng pwedeng mahalin, bakit si Jack pa ang minahal niya? 

Ate is just seventeen when she worked as a dancer in a club. Ginawa niya iyon para may maipantustos sa pangangailangan namin. Tiniis niya ang mabastos at matapak-tapakan para sa amin... sa akin. When she turns eighteen, she get herself into an escort service. Ang sabi niya, kaya niya daw pinasok iyon ay dahil iyon ang madaling pahkakitaan, hindi daw sasapat sa amin kung matinong trabaho ang hahanapin niya. Kumbaga, kapit sa patalim ang ginawa niya. Sakitin din kasi ako noon kaya palagi kaming kinakapos.

Pumapayag siyang magpa-table sa mga DOM noon. Isang gabi ay may nakakita sa kanyang bakla at inalok siya na pumasok sa isang kilalang nightclub. Sinabi sa kanya na ang gagawin niya lamang ay sumayaw at aliwin ang mga parokyano. Depende naman daw sa kanya kung papayag siya magpalabas. 

She's nineteen when a group of guys hired her for a stud party. And she met Jack Ramos that night. Jack took her v-card that night and since then they always had a casual sex. Hindi na siya pumasok pa sa nightclub at si Jack na ang sumuporta sa kanya. Parang nagkaroon na daw sila ng unawaan ni Jack noon pero nasira sila nang ipakilala ng mga magulang ni Jack si Trixie, ang babaeng nakatakdang pakasalan ni Jack. 

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now