Chapter 48

33.4K 502 26
                                    

Alisson's POV

Inalalayan na ako ni Trent papunta sa kabilang dulo ng red carpet aisle, sa kabilang dulo ay ang altar. He kiss my hand before making his way in the other end.

"Congratulations" natutuwang sabi ni Misha at niyakap ako.

Ngayon ko lamang napansin ang mga tao. Nandito si Misha at si Andrew. Ang mga Villasis at kasama ni Alex 'yung babaeng nagtatakbo paalis sa may hotel nang halikan ako ni Alex. Kumpleto din ang mga Vergara at Amante. May kasama si Eric na babae na kahawig niya din. Ang mga kaibigan ni Maine ay nanditong lahat. Ang mga malalapit na employee ng Dreamers sa akin. 

Nandito ang malalapit na tao sa amin ni Trent. 

"Alisson" tawag sa akin ng malambing na boses. Nilingon ko siya. As always, she look so beautiful and stunning.

"Nicolette" mahinang usal ko.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Congratulations. Masaya na din ako na masaya kayo ni Trent. Ninang ako ng baby niyo, okay?" 

Nang maghiwalay kami ay nakita ko ang pangingislap ng mata niya.

"Thank you" naluluha na naman ako.

"Don't cry! Baka sabihin ng groom kinurot ko ang bride niya" pagbibiro niya

Ako naman ang yumakap sa kanya. "Thank you for setting him free"

"He's not mine to begin with" malungkot na sabi niya pero agad din siyang ngumiti.

"Tama na nga ang drama! Ayos na" sabi ni Misha.

Umayos na ang mga tao. Wala talaga akong opinyon sa kasal na ito. What a surprise. Trent did all of these in a week?

Nakakakilig!

Ngayon ko naman naramdaman ang kaba. Nakapila na silang lahat. Si Sarah ang flower girl at si Nexus na pamangkin ni Neil ang ring bearer. May mga bata pa na hindi ko kilala. Then Krisha na secretary ko, si Nicolette, at ang artista na si Cleo Saskia (na pinakanakakagulat na nandito) ang mga bridesmaid. Groomsmen sila Eric, Alex, at si Kuya Nexiel. Bestman si Neil at si Misha syempre ang maid of honor ko. Si Maine at si Kuya Nate ay nasa mini stage at kakanta. Ninang naman sila Mrs. Vergara, Mrs. Amante, at si Aling Mira (may ari ng open air cafe sa Dreamers).

Nagsimula nang tumugtog si Maine ng piano. Lumakad na din ang mga flower girls. 

This is not how I imagined my wedding would be, but I love it! Isipin ko palang na si Trent ang naghanda ng lahat ng ito, kinikilig na ako. Ni hindi ko nga naisip na ikakasal na akon ngayon!

I finally found someone
That knocks me off my feet
I finally found the one
That makes me feel complete

Devoted Hearts (EDITING!!!)Where stories live. Discover now