Sixty-ninth Chapter

3.2K 28 5
                                    

Jucylle's Point of View

Hindi ko alam kung paano kami humantong sa ganito ngayon. Wala akong ideya kung bakit umabot hanggang dito. Ang buong akala ko ay wala ng sasakit pa sa ginawa nilang anim sa akin limang taon ang nakalilipas, ngunit hindi ko rin naman inakala na may mas sasakit pa. Kung noon ay kinaya ko pang bumangon, ngayon ay hindi ko na alam. Isa nalang ang nananalaytay sa buong pagkatao ko, galit. Galit sa mga taong nanakit sa akin. Galit dahil hindi ko man lang maipaglaban ang karapatan ko.

Hindi ko alam kung kailan matatapos ang mga sakit na natatamasa ko. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan ang paghihirap kong mararanasan. Minsan ay napapaisi ako kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko, wala na ba talaga akong ginawang mabuti kung kaya't sobra akong pinaparusahan? Ayoko na. Sumuko na ako dahil gusto ko ng matapos. Ngunit hindi ko alam na sa pagsukong iyon pala mangyayari ang lahat ng ito.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Damn! Sa dinami-daming coffee shops sa Pilipinas, bakit dito pa naisipang pumunta ni Arkin at Franco? Tumingin ako sa likod para pagmasdan si Bianca na nakanganga. Gulat din ba siya? Hindi rin ba niya inaasahan ang nakikita niya?

Unti-unting nabuo ang isang konsepto sa isip ko. Kung bakit pumunta si Bianca sa bahay, kung bakit niya ako dinala dito.. Damn! Lumapit ako sa kanya saka ko siya malakas na sinampal. Tila nagising siya sa pagkakagulat.

"W-what was that for, Macy?" Gulat niyang tanong. Agad kong naramdaman ang galit na kanina ko pa sinusubukang itago. Damn everything! Sinusubukan na naman ba nila akong lokohin?

"You planned all of these?" Mariin kong tanong. Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at agad na napailing. I knew that move. Alam na alam ko kung kailan nagsisinungaling si Bianca.

"Winawalang-hiya mo ako, Bianca! I knew it. Dapat hindi nalang ako sumama sayo! Kaya ba sinadya mo ako sa bahay? Dahil pinlano mo 'to? Plano niyo na naman bang paglaruan ako?"  Sigaw ko.

Sunod-sunod ang pag-iling na ginawa niya. Nakita ko rin kung paano naglandas ang mga luha sa pisngi niya. Hindi ako makapaniwala! Buong akala ko ay tapos na. Na hanggang dito nalang! Damn!

"J-Jucylle!" Tumakbo sa gilid ko si Franco para hawakan ang magkabilang braso ko. Sinubukan kong kumalas ngunit masyado siyang malakas. Masyadong mahigpit ang hawak niya.

"Let me go, Franco! Bitiwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya. Ngunit imbes na sundin ang sinabi ko ay mas hinawakan niya pa ang braso ko. Shit! Ano bang kaepalan ang ginagawa ng lalaking ito!

"Sinaktan mo si Bianca!" Sabi niya sa akin. Inubos ko ang buong lakas ko para lang makawala at maharap si Franco.

Madaming nakatingin. Alam ko. Nakakaagaw kami ng atensyon. Pero hindi ko na alam ang gagawin ko kung sakaling may susunod pa.

"Sinaktan ko siya kasi sinaktan niya rin ako, Franco! At ano na namang pinaplano niyo? P-plano niyo na naman bang paglaruan ako? Plano niyo na naman bang sirain ang buhay ko?" Mataas ang boses ko. Masakit na rin ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng luha. Hinding-hindi ako iiyak sa harap ng mga taong sinaktan ako at sinira ang buhay ko!

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon