Fortieth Chapter

5K 31 5
                                    


Jucylle's Point of View

'Black.'  Message sent..

Napabuntong-hininga ako. Nandito kami ni tita sa mall ngayon at nakabili na din ako ng isusuot ko sa prom mamaya. Black ito at tube style. Simple lang pero mula bewang hanggang pababa ay napalibutan ito ng mga kumikinang na bato. Binilhan din ako ni tita ng gloves. Weird talaga. Hindi naman masquerade ang theme sa pagkakatanda ko.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong ma-excite o dapat akong kabahan? Lalo na't si Arkin ang date ko sa prom. Ano pa ba ang magagawa ko? Siya pa mismo ang nagdeklara na date ko siya. Ni hindi man lang ako tinanong. Nasaan ang hustisya doon?

"Tapos ka na ba kumain? Uwi na tayo at papunta na daw doon ang make-up artist na tinawagan ko." napatango ako sa sinabi ni tita. Tumayo na ako at umalis na kami sa restaurant.

Napatingin ako sa orasan at nakita kong 3 na. Kailangan ko pang maligo bago magpaayos. Nakakahiya naman sa mga makakasalamuha ko mamaya lalo na sa social dance. Isa pa talaga iyon sa mga pinoproblema ko. Hindi ko maintindihan kung bakit may ganun sa prom. Saktong 14 pa naman ngayon at valentines day din. Ano ba ang dapat kong maramdaman?

After maligo ay robe nalang ang ipinasuot sa akin ni tita. Nakita ko ang dalawang bading sa loob ng sala kaya pinaakyat ko sila sa kwarto ko para doon ayusan. Itinodo ko din ang aircon para hindi ako pagpawisan. Ang isa ay nagsimulang mag-blower ng buhok ko at ang isa naman ay sinimulan ng ahitan ang kilay ko. Shet, sa lahat ng ayaw ko ay ang pag-ahit ng kilay. Bukod sa magiging manipis ito ay panget pang tignan kung tutubo!

Naaamoy ko na ang foundation at concealer. Sana naman magmukha akong tao. Naalala ko tuloy ng magpaayos ako para sa business party nila Bianca. Sinabihan ako nila Arnel na maganda daw ako pero panlalait naman ang nadinig ko mula kay Arkin. Ano kaya ang sasabihin ni Arkin sa akin mamaya? Naramdaman kong bumilis ang heart beat ko.

"Ano bang kulay ng damit mo?" nadinig kong tanong sa akin ng malapatan na ng foundation at concealer ang mukha ko.

"Black po." magalang na sagot ko. Nakita ko ang tita sa gilid na pinipicturan ako. Pwedeng mamaya na yan? Di pa nga tapos e. Si tita talaga! Masyadong excited sa pangyayari. Nakapikit lang ako habang nilalagyan ng eye shadow ng maramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa kamay. Buti nalang at nakapasak doon ang earphone kaya di na ako mahihirapang i-loud speaker.

"Hello?" sambit ko. Di ko kilala kung sino ito dahil bukod sa di ko tinignan ang caller ID ay nakapikit din ako.

"Jucylle.." sagot sa kabilang linya. Eto na naman ang mga taksil na paru-paro sa loob ng aking tiyan. Masyado silang aggresive lalo na't kapag nandyan si Arkin.

"Oh? Ba't ka napatawag?" tanong ko. Wala naman yatang dahilan para tawagan niya ako. Hindi pa ako late no! Mamayang 6 pa magsisimula ang program at ang huling tingin ko sa orasan ay 4 palang.

He Falls For Me (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon